CHAPTER 14 CONTROLLING OF WIND/AIR ELEMENT

3K 71 0
                                    


Pagkatapos ng ilang oras ay nagising na din si Ivy. Humingi naman ng paumanhin ang kambal kay Ivy dahil na rin sa sila ay nakunsesnya sa kanilang ginawa. Gayunpaman, lumipas ang isang araw at sumabak na ulit sila sa pag eensayo kasama sina Xyan, Flint at Ced. Samantalang ang iba nilang kaibigan ay may ibang pinagkakaabalahan.

"Hindi ko na kayo papahirapan na dalawa. Dahil nandito tayo ngayon sa underground training at puro gubat pero may hangin naman. Ipikit na ninyo ang inyon mga mata. Kapag natawag niyo nasi Marion, God pf Wind ay uumpisahan natin." Seryosong sabi ni Ced.

Ginawa naman ng kambal ang sinabi ni Ced. Marahang pumikit ang dalwa kasabay ay nagpakita agad si Marion, God of Wind.

"Magandang hapon sa inyong dalawa. Hindi ko na kayo pahihirapan hah. Sa ngayon, gagawa muna ako ng isang clone ko. Tapos ay gagamitin ko ang katawan niyo." Marion.

Samantala, sa kalagitnaan ng pagpikit ng dalawa ay umihip ang malakas na hangin na tila hindi inaasahan ni Ced.

"Oh my.." Tanging sambit ni Ced tapos ay lumutang sa ere ang kambal na nakapikit. Nagkulay tsokolate ang buhok tanda na natawag ng kambal si Marion ngunit mas nagulat si Ced sa nangyari.

Nagkaroon ng pakpak ang kambal na kulay tsokolate din tapos ay naglabas silang dalawa ng brown metal sword at inihagis sa isang puno. Pagkatapos ay dumilat na ang kambal. Hindi alam ni Ced na sa pagkakataong iyon ay hinid na si Marion ang nagmamanipula sa katwan ng dalawa bagkus ito ay ang pwersang lumalabas sa katawan ng kambal.

Bumaba mula sa ere ang kambal at sabay na pumalakpak.

"Waaaaaaaaaaaaahhhhhhh!!! Galing natin kuya Gabby." Sabi ni Safi sa kapatid na tuwang tuwa.

~~~~ Cont.

Kinagabihan ay masayang nagkakainan ang magkakaibigan sa kani kanilang mga kwarto.

"Oh kamusta ang pag eesnsayo Safi?" Pagtatanong ni Iris.

"Okay naman. Sa totoo nga di kami pinahirapan ni Kuya e." – Safi

"Wow. Mabuti naman kung ganun Safi. Sige pahinga ka na kami na dito." Sabi naman ni Ivy sabay ngiti sa akin.

"Salamat, Girls." Sabi ko naman saka hinug sila isa isa bago ako tumungo sa aking higaan.

***** 

#revisedcorrectionsfinalized #done

MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon