CHAPTER 5 HISTORY OF MAGIC EMPIRE

7.3K 189 6
                                    

"Gusto niyo bang makarinig ng kwento?" tanong ni Xyan sa kambal na kanilang kasama. Tumango naman sila.

"Tatlompung taon na ang nakakaraan ng lusubin ng mga taga Dark Empire ang Magic Empire. Maraming sugatan, marami ring buhay ang nawala. Natalo man ng mga Magic Empireans ang kalaban, nawala ang alas nila. May mga nagsasabing nasa mortal world sila pero di pa rin sila nararamdaman. Pagkatapos ng labinlimang taon ay kamuntikan nang mabura ang Magic Empire pero dahil sa tulong ng ilang malalakas na lahi ng tumulong itaguyod ang Magic Empire at nagsimula muli ng panibagong landas ang nasabing Empire. Sinabi ng isang...." Tinignan muna nu Xyan si Flint dahil sa isang sikretong hindi pa pwedeng malaman ng kahit na sino.

"Ang ibig niyang sabihin eh... Nandito na tayo." Sabi ni Flint sa kanyang mga kasama at pumasok sa isang pintuang may iba't ibang kulay.

"Master Wayne.." sabi nina Xyan at flint at tumungo ng makita ang Headmaster.

"Maaari niyo na kaming iwan Xyan at flint. Pakihanda ang kanilang tutuluyan. Salamat. Makaka alis na kayong dalawa." Sabi ni Master Wayne sa kanyang dalawang kanang kamay.

"Safi.. at Gabby.. Tama ba ako?" Sabi ng Headmaster sa dalawang tao sa kanyang harapan. Inalok naman niya na umupo ang dalawa.

Tumango lamang ang dalawa bilang sagot.

"May gusto ba kayong sabihin?" Panimula ni Master Wayne.

"Bakit po kami nandito?" Pagtatanong ni Safi.

"Magic Empire is a school where secret powers and special skills revealed. Malayo ito sa mundo ng mga tao na ang tanging armas nila ay baril at bomba. Iba naman dito. Ang mga taong nakakapasok dito ay ang mga taong naniniwala na Powers are Real." Sagot naman ni Master Wayne sa tanong ni Safi.

"Bakit po kami nandito?" Pagtatanong naman ni Gabby.

"Ikwento niyo muna sa akin ang inyong naging karanasan bago kayo nakapunta dito sa Magic Empire." Sabi naman ni Master Wayne sa dalawa.

Si Gabby na ang nagkwento. Mula sa umpisa hanggang sa kung paano nila narating ang Magic Empire.

"Alam niyo bang....walang nakakaintindi sa dalawang iyon? Oo. Tama ang inyong naririnig ngayon. Tanging ang dalawang taong sinasabi nila na magtatanggol sa lugar na ito ang makaka intindi ng lahat. Ang dalawang tao na hanggang ngayon ay patuloy naming hinahanap na siyang magliligtas ng buong lugar na ito." Seryoso at punong puno ng kalungkutan na sabi ni Master Wayne.

Pagkamangha at gulat ang tanging naging reaksyon ng kambal.

***** #revisedcorrectionsfinalized #done

MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon