"Wag kayong mag alala, walang makaka alam ng inyong sikreto. Sa ngayin at ako muna pero asahan na ninyong sa mga susunod na araw ay matutuklasan din ito ng ibang katulad ninyo na may kapangyarihan o mahika." Sabi ni Master Wayne.
"Saan po kami tutuloy pagkatapos dito?" Tanong naman ni Safe.
"Sasamahan kayo ni Flint at Xyan sa inyiong nararapat na kwarto. Dito sa Magic Empire, hiwalay ang kwarto ng babae at lalaki pero huwag kayo mag alala, magkikita at magkikita pa rin naman kayo. Oh ayan nap ala sila, sige na pwede na kayong umalis." Sabi ni Master Wayne sa kambal pati na rin sa kakapasok pa lang na sina Flint at Xyan.
Walang imikan ang apat habang papunta sa Girls Room. Dumaan sila ng library, sa hagdan na may limang palapag at dahil sa ikahuling palapag silangan ito, inihatid muna ni Xyan si Safi.
"Wag ka mag alala, may mga makakasama ka sa kwarto. Tatlong magagandang babae, katulad mo." Sabi ni Xyan ng pabulong na binigkas ang dalawang huling salita na kanyang binanggit na ikinapula ng pisngi ng dalaga.
Tatlong katok, at may sumalubong na babaeng may kulay putting buhok at naka ngiti sa akin pagkatapos ay binatukan si Xyan.
"Loko ka! Nambobola ka na naman! Te-teka, makakasama ba namin siya? Ako nga pala si Ivy." Pagpapakilala ng babaeng nasa aking harapan.
"Sino ba ya--- Hi Xyan. Halika ka na sa loob. Sige na Xyan at baka makita ka pa ng mga instructor natin. Alis ka na.." Pagtataboy naman ng babaeng may kulay ube na buhok.
"Rose bilisan mo naman diyan! Ang tagal mo talaga!" Sigaw ni Ivy.
"Iris nga pala, siya si Ivy at..." Sabi ng babaeng kulay ube ang buhok.
"Sorry naman.. ay may bago pala tayong makakasama. Rose nga pala." Pagpapakilala naman ng babaeng kulay pink ang buhok.
Sa kabilang banda.
"Oh pare dito ka naman. Sandali lang." Sabi naman ni Flint kay Gabby.
Isang malakas na katok naman ang ginawa ni Flint na bigla namang bumukas ang pinto.
"Grabe ka talaga makakatok. Sunugin kaya kita." Sabi ng isang lalaking kulay pula ang buhok na tila inis sa ginawa ng binata.
"Siya si Red, halata naman dahil sa buhok niyang kulay pula. At siya naman si Gabby, ang bagong kasama niyo. Huwag niyong tatakutin hah. Oh sige Gabby, dito ka na at hinahanap na kami ni Master Wayne. Mamayang gabi ay matatanggap niyo ni Safi ang inyong gamit para sa ika tatlong araw magmula ngayon, magsisimula na kasi ang klase dito." Mahabang paliwanag ni Flint saka umalis kasama si Xyan.
Tumango lamang si Gabby bilang sagot sa binata saka pumasok.
"Slater, Ced may bago tayong kasama." Sabi ni Red na prenteng naka upo sa silyang kulay dark red.
"Tol naman, panira ka talaga ng kain ko eh. Ay Ced nga pala." Sabi ng lalaking kulay tsokolate ang buhok.
"Slater pre, wag ka na mahiya sa amin. Tayo tayo lang nandito." Sabi naman ng lalaking kulay asul ang buhok.
"Gabby ang pangalan ko." Matipid na salita ni Gabby sa tatlong binatang kasama sa kwarto.
"So, may kapatid ka pala." Sabi naman ni Red kay Gabby.
"Oo twins kami." Sagot naman ni Gabby habang napansin naman ni Slater na tila naghahanap ito ng inumin.
"Nauuhaw ka? Punta ka lang diyan sa kitchen. May maliit na ref." Sabi naman ni Slater.
Agad namang tumayo si Gabby para maghanap ng inumin ng bigla silang nakarinig ng isang malakas na pagsabog na nagmumula sa lugar nila.
"Ano yon? Narinig niyo rin ba?" Sabi ni Ced.
"Malamang pre. May tenga kami e.Tss." Sagot naman ni Red.
"Halika puntahan na natin." Sabi naman ni Slater sa mga kaibigan maliban kay Gabby.
Nanatili namang gulat si Gabby. Hanggang sa lapitan siya ng kanyang bagong kaibigan.
"Wag ka lalabas, dito ka lang." Sabi ni Red na nagpabalik sa kanyang pagkagulat.
Tango lamang ang tanging nagawa ni Gabby saka umupo at tila nag aalala sa kanyang kapatid. Pagkatapos ng lima hanggang sampung minuto ay bumalik sina Red, Ced, at Slater. Napuna naman ni Gabby na nag uusap silang tatlo.
"Pinasok tayo." Ced
"Alam na ng kalaban na nandito na sila." Slater
"Kailangan nating malaman sino sila para mas lalo natin silang maprotektahan." Red
-------- continuation.
Habang nagkukwentuhan ang mga babae sa kanilang room ay biglang nakarinig sila ng malakas na pagsabog. Sinabihan ni Ivy si Safi na wag lalabas hangga't hindi sila bumabalik. Ilang beses uminom si Safi ng tubig para mapakalma ang sarili hanggang sa...
"Safi... safi.. Si kuya Gabby mo ito.." Narinig niya ang kanyang Kuya Gabby sa kanyang isipan.
"Kuya, ano kaya yun? Natatakot ako." Sagot naman ng dalaga.
"Wag ka mag alala, may kasama ka rin naman diyan eh. Mamayang gabi darating din ang gamit mo diyan dahil may pasok na sa ikatatlong araw magmula ngayon. Sige na, nandito na mga kasama ko.." Sagot ni Gabby sa kapatid.
Lingid sa kaalaman ng mga taong kasama ng kambal ay alam nilang hinahanap na sila ng mga taong binabanggit ng kanilang lolo at lola kapag tulog ang mga ito. Dahil duon ay mas lalong dapat sila mag ingat.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasiaNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.