AUTHOR'S POV
Ang lahat ay naghahanda. May mga nag eensayo, may nag papalakas. Habang nag hihintay ng pag lusob ng mga taga Dark Empire. Sa tuktok ng Magic Empire ay seryosong kinakausap nina Gavi at Safiara ang mga anak.
"Walang mag sasakripisyo. Huwag niyo hahayaang galit ang mamutawi sa inyong mga puso. Lagi niyong tatandaan na nandito kami sa lagi sa tabi niyo. Kahit anong mangyari." Sambit ng kanilang ina.
"Pero sana po hayaan niyo kami na lumaban pag kayo na po ang nalagay sa alanganin, Ina." Sabi ni Gabby sa kanyang Ina.
Tumango na lamang ang kanilang ina bilang pag sagot. Binigyan naman ng magkapatid ang kanilang mga magulang ng isang mahigpit na yakap saka nag dasal para gabayan sila.
Sa di kalayuan.. Naghahanda na din ang mga taga Dark Empire.
"Handa na ba kayo? Sa likod tayo dadaan. Ang sikretong daan patungo sa isang sikretong kweba kung saan nag eensayo ang mga kaibigan ng kanilang mga anak. Oras na. Maniningil naman ako sa kanilang ginawa. Bwahahahahahaha!!" Sabi ng isang boses babae sabay tumawa na parang demonyo.
-----CONT.
Ang Magic Empire ay may walong pinto. Ang ika walo ay nasa bahaging likod ngunit ito ay isang lagusan papunta sa isang kweba na tinatawag nilang sikretong lugar. Bihira ang nakakapunta duon dahil walang tumatagal sa mga engkantada at engkantado na taga bantay ng lugar na iyon.
Unang pinto ay Hangin. Ikalawa ay Apoy. Ikatlo ay Tubig. Ika apat ay Yelo. Ikaw lima ay Kidlat. Ika anim ay Tunog. Ika pito ay Kagubatan.
Ngunit ang lahat ay gawa lamang ng pamilya nina Gavi, Safiana, Safiara at Gabby. Dahil gumawa sina Safiara at Gabby ng mga pagtataguan ng mga tao sa Magic Empire. Lulusob lang sila pag dumating na ang mga kalaban.
Dahil kung dadayaiin lamang sila ng Dark Empire, uunahan na nila ang mga kalaban.
~~DARK EMPIRE~~
Dumating na ang panahon. Igaganti kita, Ina. Hahahahahaha!!! Kinuha na nila lahat. Pwes, kukunin ko din ang lahat.
NO ONE'S POV/AUTHOR'S POV
Natanaw na ni Ced ang mga papalapit na kalaban. Nagtago agad siya at bumulong sa mga kaibigan gamit ang kanyang isipan. Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. may lumusob sa nasabing sikretong kweba ngunit may nilagay na mga bombang bulaklak si Xyan at mga sangang matitinik para mapatid ang kalaban ngunit may lason ang mga tinik kaya hindi pa nakakalayo ay mamamatay agad ang mga kalaban. Sa may malaking pinto naman ay lumusob si Zee (Ang anak at bunga ng isang pagkakamali ng mga kaibigan nina Safiana at Gavi). Maraming sugatan dahil sa hindi siya matalo talo ng mga lumalaban sa kanya na taga Magic Empire.
"Bwahahahahahaha!!! Ganyan ba kayo kalakas? Hindi niyo man lang ako matalo." Malakas na loob na sabi ni Zee sabay ngisi habang ang lahat ng lalapit sa kanya ay tumitilapon.
"Wag kang papasiguro sa sinasabi mo."
"Dahil hindi mo kilala kung sino ang pinaka malakas dito."
"Mga duwag!! Lumabas kayo diyan at tayo ang mag tutuos!!" Sigaw ni Zee.
Nagulat naman si Zee sa kanyang nakita. Dahil alam niyang nakikita niya sa panaginip ang mga taong ngayon ay kaharap na niya.
"Ohh.. Bat namumutla ka? Ganyan ba talaga pag ang kaharap mo... mas malakas sayo?" Sambit ni Safiara. Magpapalabas na dapat ng hangin si Zee ngunit naunahan siya ng kambal dahil inalis nila ang oxygen sa mga ilalabas na kapangyarihan nito.
"Pa-paanong.." Gulat na sabi ni Zee kasabay ay ang pag labas ng hari at Reyna.
"Safiara nga pala, at siya ang kuya ko, Si Gabby. Anak kami nina King Gavi at Queen Safiana." Sabi ni Safiana kay Zee.
"Ikaw?! Kayo?" Gulat na sabi ni Zee. Sabay palihim na tumira. Ngunit ikinagulat niya dahil bumalik sa kanya.
"Aaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!" Sigaw ni Zee sabay tumilapon.
Nilapitan naman ni Safiana si Zee ngunit nakuha siya ng babae.
"Nasa akin na ang alas. Hahahahahahaha!! Hindi niyo ba ako kilala?" Sabi ni Zee. Bakas naman sa mukha ang pag aalala ng magkapatid.
"Ikaw? Anak ka nina Jay at Sally? Pero.. Paanong?" Gulat at nagtatakang tanong ni Gavi.
"Inakala ng aking ina na mabait si Jay, ang aking demonyong Ama. Ngunit dahil hinalay niya ang aking Ina, ako ang naging bunga noon. Pinatay niya ang aking Ina kapalit ang lakas na kanyang inaasam. Ngunit nabigo siya dahil pinatay ko siya. Sinabi sa akin iyon ng mga taong nakakita ng pangyayari. At nung nalaman ko ang buong istorya, oras naman ng aking paniningil.." Sabi ni Zee sabay kukuha ng panturok na naglalaman ng lason upang patayin si Queen Safiana.
Ngunit hindi rin natuloy dahil sa pag mamanipula ni Gabby kay Zee. Natakot naman si Zee sa kanyang nakita. Nagkulay itim ang kanang mata at puti naman ang kaliwa ni Gabby. Alam niyang isa lang ang ibig sabihin nito.Na silang kambal ang pinaka malakas na tatalo sa Dark Empire. Ngunit hindi siya nagpadaig sa takot bagkus ay sinubukan niya ng sinubukan ang pag turok kay Safiana. Papasok ng pinto ang magkakaibigan ng mabilis din nilang makaramdam ng kakaiba. Nagulat na lamang sila sa inasal ni Slater. Naging invisible agad ito. Nilagyan niya ng invisible na tali ang paa ni Zee, pati ang kamay at piring sa mata. Tanging si Slater lamang ang nakakakita nito.
"Mahal na Hari, Reyna. Natapos na po namin ang lahat ng kalaban." Sabi ni Xyan.
"Ngunit mayroon pang isa.." Sabi ni Gabby na nakatingin kay Zee habang nagpupumiglas. Tinanggal ni Slater ang piring sa mata saka pinalibutan ng magkakaibigan si Zee.
"Pamilyar ka.." Sabi ni Rose.
"Nakita na kita eh." Iris.
"Siya yung nakikita kong laging naka sunod kina Safi at Gabby. At siya rin ang nasa propesiya na magiging matinding kalaban nila. Ano nang gagawin natin sa kanya ngayon?" Sabi naman ni Ivy.
"Ikukulong muna natin siya, pansamantala." Sabi ni King Gavi habang hawak si kamay si Safiana.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantastikNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.