Mabilis na lumipas ang araw na dumating ang kambal sa Magic Empire. Nagkaroon ng Girl's Night Out si Safi kasama ang mga bagong kaibigan ganun dun si Gabby na nagkaroon din ng Boy's Night Out kasama ang mga bagong kaibigan. Nagkita naman ang kambal at napag alaman nilang ang kanilang mg aka roommate ay ang mga malalakas na Empireans sa kanilang lugar. Ngunit hindi pa rin nila nahahanap ang dalawang tao na tutulong sa kanila para sa isang laban na kanilang pinaghahandaan.
Lunes, pasukan na sa Magic Empire. Lahat ng estudyante ay may kanya kanyang mundo. May mga kumpulan ng mga estudyante na nagbabasa, gumagamit ng mahika, ang ila'y kumakanta, may nambubully at syempre, hindi mawawala ang M6 (na kina bibilangan nina Rose, Iris, Ivt, Red, Ced, at Slater). Nang dumaan ang M6 kasama ang kambal ay natahimik ang buong lugar at may kanya kanyang bulungan na nagaganap. Hanggang sa sumigaw si Safi.
"Haaayyssss.... Tahimik! Bubulungan pa kayo naririnig naman namin." Sambit ng dalaga na ikinaggulat ng mga kasama.
"Impossible.." Sabi ni Rose sa kanyang isipan ng biglang may sumabat na babae kay Safi.
"Teka, bago ka lang ba dito? Kabago bago mo, magrereyna reynahan ka dito? Saka bakit mo kasama ang M6? You don't deserve to be in their group. Such a loser." Sabi ng babaeng nasa harap ni Safi at nakataas ang kilay, may mapulang labi dahil sa kanyang lipstick at may mahabang buhok na hindi bababa ng pwetan.
"Safi..." Sabi ni Gabby ngunit pinigilan ni Red pero hindi naman nagpapigil si Gabby hanggang sa...
"Don't mess with my sister or else I'll hurt you bigtime.." Maitim na aura ang nararamdaman ng lahat ng estudyante na tila biglang natakot sa inasal ni Gabby.
"Ku-kuya.. kalma ka lang please.." Pag aalo naman ni Safi sa kapatid.
"To-totoo naman eh! Kabago bago niyo naghahanap agad kayo ng away!" Sigaw ng isang babaeng kasama ng babaeng mapula ang labi.
Naramdaman naman ni Safi na may malakas na pwersang tatama sa kanila ng kanyang kuya Gabby kung kaya't.....
"Sedis.." Banggit ni Safi habang ang kanang kamay niya ay nakataas nakaharap mula sa kanyang likod.
Nagulat naman ang lahat sa nakita dahil tumigil ang isang lalaki na sana'y magpapaulan ng spike kina Gabby at Safi. Seryosong kumunot si Safi saka ngumisi at kinumpas ang kanyang kamay dahilan para bumalik ang spike sa kinaroroonan ng lalaki.
"Woaahh!!!" Sabi naman ng mga estudyanteng nakakakita ng nangyayari ng biglang...
"Freeze!" Sabi ni Xyan na nagpatigil ng oras at galaw ng mga taong nanduon sa pinakababa ng Magic Empire.
Ni-rewind ni Xyan ang lahat simula sa kung paano nagsimula ang huling nadatnan nila ni Flint at Master Wayne. Nagulat naman silang tatlo kaya binalik na ni Xyan ang oras at...
"Desaparecer." Bigkas ni Xyan tapos ay nawala ang mga spike. Napalingon ang lahat sa kinaroroonan nina Flint, Xyan at Master Wayne na kinagulat ng marami. Kasabay nun ay biglang pagbagsak ni Safi.
"Safiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!"
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.