CHAPTER 15 CONTROLLING OF FIRE AND WATER ELEMENT

3K 72 0
                                    



Ilang araw pagkatapos namin mag ensayo tungkol sa wind/air element ay nandito na kami sa isang sikretong lugar dito sa gubat. Ito ay ang tinatawag nilang Lumbragua Island dahil sa ito ay may isang malawak na dagat at sa gitna nito ay may isang gubat na may bulkan din sa giutna. Isa ito sa pinaka iniingat ingatan sa Magic Empire dahil kuwento ni Flint ang aming magulang ang nagtayo nito.

Nakarating kami sa gitna ng isla sa tulong ng mga dragon na tinawag ni Ced. Tatlong dragon ang dumating subalit may isang dragon na kakaibang kulay ang dumating na tila alam na nandito kami.

"Wag kayong lalapit!!" Sabi ni Xyan sa mga kaibigan. Ngunit ang sumunod na pangyayari ang nagpatahimik pa lalo sa lahat.

Yumuko ang dragon na iyon kina Safi at Gabby na tila winewelcome silang dalwa sa lugar na iyon. Nagkaroon naman ng ideya si Flint kung para saan iyon. Kaya inakay nina Gabby at Flint si Safi pauna para sumakay sa dragon, kasunod ay si Gabby tapos si Flint. Nung sasakay na si Xyan ay biglang tumilapon ang binata na siya naman salo sa kanya ni Ced gamit ang sinasakyan nila.

"Lokong dragon yun. May saltik ata eh." Sabi ni Xyan. Napakamot na lamang ng ulo si Ced at iba pa nilang kaibigan.

Hindi katagalan ay nakarating din sila duon at saka naman naging tao ang mga dragon. Ang kaninang apat dragon ay naging anim na babae..na may iba't ibang kulay ang mata. (as seen above in the pic)

Imbis na mamangha sila ay hindi nila iyon pinansin at nagpatuloy na sinusundan ng magkakaibigan sina Flint at Xyan, sa likod naman ng dalawa ay sina Safi at Gabby at ang iba pa nilang kaibigan. Pinapalibutan naman sila ng anim na babae. Nanag marating nila ang gitna ng gubat ay saka naman biglang naglaho ang anim na babae.

"Kakaiba talaga dito.." Sambit ni Xyan. Ramdam naman ni Xyan ang batok sa kanya ni Flint.

"Ikaw talaga.. magsimula na kayo." Sabi ni Flint sa mga kaibigan habang humahanap ng pwesto para sa mauupuan nila.

"Madali lang naman ang gagawin niyo e. Katulad sa mga nainang esnyap niyo. Ang kaibahan lang ay kailangan niyo ng malalim na konsentrasyon at mag focus kayo ng mas malalim pa. Makakatulong ang tubig upang ma-klaro ninyo ang inyong isipan. Pumikit kayong dalawa. Damhin niyo ang katahimikan at ang tunog ng tubig na nagmumula sa dagat at ang apoy na nagmumula pa sa bulkan." Sambit ni Slater sa dalawang tao sa kanyang harap.

Lumipas ang ilang minuto ay nakaramdam ng lamig ang kanilang kaibigan, hudyat para mabahala ang magkakaibigan.

Sa isipan naman ni Slater.. "Paanong... ambilis nilang natawag ang God of Water?" na tila hindi naman maipinta ang reaskyon ng binate sa mukha nito. Samantala, habang nakapikit ang kambal ay saka naman lumitaw sa kanilang harap ang God of Water at Fire.

"Pahiram muna ng katawan niyo huh." Sabi ni Rojo sabay tingin kay Azul. Sumanib kay Safi si Azul habang kay Gabby ay si Rojo.

Naramdaman ng magkakaibigan ang kakaibang lamig na may kasamang init. Ito naman ang ikinabahala ng lahat dahil ang tanging Hari at Reyna lamang ang kauna unahang nakagawa ng ganitong klaseng lakas ng kapangyarihan na kayang maramdaman ang takot ng kahit na sinong tao sa kanilang paligid.

"Walang aalis.." narning ng magkakaibigan ang boses ng kambal ngunit parehas boses lalaki ang lumalabas.

Tumambad naman sa magkakaibigan ang kambal ngunit may kulay asul at pula ang mga mata. (See external link for picture details) Isang senyales para kina Flint at Xyan na nag isa ang God of Water at Fire.

"Delikado.. Kailangan niyo silang labanan Slater at Red. Para malaman natin kung kaya na nilang kontroling ang kanilang kapangyarihan." Seryosong sabi ni Flint sa dalawang kaibigan.

AUTHOR'S POV

(a/n: So, ako muna ang magkukwento.)

Nagpalabas si Red ng Fireball at nagpaulan naman si Slater ng Water Sword na maliliit. Imbis na iwasan ng kambal ang mga enerhiyang papalapit sa kanila ay ikinukumpas lamang nila ang kanilang kamay saka naglaho ang mga dapat sana'y papalapit sa kanila. Ito naman ang ikinagulat ng lahat. Natakot naman sila sa mga nakikita dahil sa parang hindi si Safi at Gabby ang kanilang kaharap.

Ganito kasi ang nangyari..

(Ang mga naka italic ay ang naganap sa pagitan nina Safi, Gabby, Azul at Rogo.)

"Pahiram muna ng katawan niyo huh." Sabi ni Rojo sabay tingin kay Azul. Sumanib kay Safi si Azul habang kay Gabby ay si Rojo. Pagkatapos ay may mga binigkas na ritwal ang dalawang God na nagpapahiwatig ng pagiging isa ng dlawang nakasanib sa katawan ng kambal.

"Dioses de Dioses, Ague De Fuego, Fuego De Agua, Aire De Agua E Incendio, Sejamos Uno Y No Deje Que Este Cuerpo Perden Fuerza"

"Gods of Gods, Water of Fire, Fire of Water, Air of Water and Fire, Let is be one and don't let this body lose strength."

Paulit ulit binigkas nina Rojo at Azul ang mga katagan hanggang sa sila ay naging isa na agad na mapapansin sa mga mata ng kambal. Mga ilang minuto ang lumipas ay umalis na sina Rojo at Azul sa kawtan ng kambal kung kaya't hindi na sila ang nagmamanipula ng katawan ng kambal kundi ang malakas na enerhiyang bumabalot sa knailang katawan na matagal na panahon nang nakatago.

Nagkatinginan sina Safi at Gabby na tila nag uusap sa kanilang mga isipan. Naghanda ang kambal sa kanilang gagawin. Naglalabas na ang kambal ng isang bolang tubig na may apoy sa loob at may kasamang lightning at thunder ng bigla namang maramdaman ng kambal ang superspeed ng isa sa kanilang kaibigan. Si Red. Agad pinatulog ni Red ang kambal at sinalo naman ni Ced. Agad namang dumating ang mga dragon. Walang mga salitang namumutawi sa mga bibig ng bawat isa. Nakarating sila sa Magic Empire ngunit tulog pa din ang kambal na hindi naman ikinagulat ni Master Wayne.

***** 

#revisedcorrectionsfinalized #done


MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon