"Safiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!" Sigaw ni Gabby tapos ay nasalo niya ang kapatid. Agad naman silang nagteleport sa tulong ni Ced sa Clinic kaya nadala agad si Safi.
"Ano na po lagay ng kapatid ko?" Pagtatanong ni Gabby sa isang Nurse.
"I'm Lou and this is Yiel, we're healers. Binigyan namin siya ng isang gamot pag kumalat nay un sa kanyang katawan ay babalik muli ang lakas niya sa dati. Sa ngayon kailangan muna niya magpahinga. Master Wayne told us na exempted muna kayong dalawa. Sige maiwan na muna namin kayo dito." Sabin i Lou na may kulay orange na buhok kay Gabby.
Pagkatapos ay umalis na si Ced dahil pinatawag sila ni Master Wayne.
"Papalipasin ko ang nangyari kanina pero Red.. Kailangan mo sabihan ang kapatid mo. This is unacceptable. Sige na makakalabas na kayo!" Sabi ni Master Wayne sa M6 habang naiwan naman sina Flint at Xyan.
"Flint, Xyan may ipapakiusap ako sa inyong dalawa." Sabi ni Master Wayne sa dalawang lalaki na nasa kanyang harapan.
"Ano po iyon?" Flint.
"I want you two to guard Safi and Gabby. Sila ang matagal na nating hinahanap. And first thing in the morning, tell the M6 to get here in my office, understood?" Master Wayne.
"Yes Master Wayne." Sagot ng dalawa at sabay na lumabas.
"Makikilala niyo rin ang magulang niyo. Pero hindi muna ngayon." – Master Wayne.
---- Cont.
"Mabuti naman at okay ka na. Wag mo ulit gagawin yun ah, tinakot mo ako dun." Sabi ni Kuya Gabby sa akin. Nasa canteen kami habang ang lahat ay nasa klase nila.
"Bilisan mo kumain para makapahinga ka." Dagdag pa ni Gabby pagkatapos nila kumain ay mabilis silang pumunta sa room ng girls. Sinamahan muna ni Gabby ang kapatid habang nagpapahinga.
Mabilis na lumipas ang oras at isa isang bumabalik ang estudyante sa kanilang nararapat na kwarto. Samantala, kinausap naman ni Red si Desiree na kapatid nito sa likod ng Magic Empire.
"Ano ka ba naman! Hindi ba sinabihan na kita na wag kang gagawa ng isang bagay na maglalagay sa akin sa alanganin! Hindi ka pa din nakikinig! At sabihan mo yang boyfriend mong hilaw hah. Baka sunugin ko siya!" Pa-sigaw na sabi ni Red sa kapatid na babae.
"Ku-kuya sorry na. Di ko na uulitin. Sorry talaga." Pagmamakaawa ni Desiree sa nakakatandang kapatid.
"Kapag inulit mo ito, alam mo na ang mangyayari sa akin." Malamig ang tonong sabi ni Red kat Desiree saka sabay na umalis sa harapan ng dalaga.
Kinaumagahan, habang naglalakad ang M6 kasama ang twins ay sumulpot sa kanilang harapan si Desiree na kapatid ni Red.
"Oh desiree, bakit ka nandito? Hindi ba dapat kasama mo ang mga kaibigan mo?" Pagtatakang tanong ni Red sa kapatid. HUmarap itokay Safi at saka nagsalita.
"Ahmm.... Ate Safi sorry. Sorry di ko na uulitin." Nagmamakaawang sabi ni Desiree kay Safi na lumuhod pa sa harap nito. Napagtanto niya na ang kuya Red niya ang magsusuffer sa mga kalokohan niya.
"Hey get up. Okay na iyon. Saka di mo naman kasalanan e. Sorry din. Te-teka, paano mo nalaman pangalan ko?" takang tanong ni Safi.
"Ako nga pala si Desiree, nakababatang kapatid ni Red. Sige Kuya red, alis na ulit ako. Malapit na klase namin. Salamat ulit Ate Safi." Sabi ni Desiree kay Safi na nakangiting abot hanggang mata saka bumeso sa kapatid at umalis.
"Kapatid mo pala iyon Red?" Napapaisip na tanong ni Safi samantalang ang ibang kasama ay parang may mga sariling mundo.
"Oo, kaya lang naman siya minsan nagiging bratt dahil sa mga nakakasana niya. Pero mabait yun." Sabi naman ni Red kay Safi.
"Tama na iyang pagkukwentuhan niyong dalawa, nandito na tayo." Pagputol ni Gabby sa pag uusap nina Safi at Red.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasíaNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.