Nakarating na sila sa opisina ni Master Wayne. Ni-lock naman iyon ni Flint dahil nakaramdam siyang may mangyayari pa sa araw na iyon.
"Gabby.. Safi.. Gusto niyo na bang marinig ang tungkol sa inyong mga magulang? ang totoong nangyari nuon dito?" Seryosong sabi ni Master Wayne kina Safi at Gabby. Naputol ito ng mag salita si Xyan.
"Uhmm. Master Wayne may mga na-ikwento na po ako sa kanila e." Sabi ni Xyan.
"Pero hindi lahat, Xyan." Bumuntong hininga muna si Master Wayne saka umupo sa isang malaking upuan na kulay puti.
"Isang daang taon na ang nakakaraan ng magkakilala ang mga Lolo at Lola niyo, nagkagustuhan at nagkaroon ng bunga. Ang iba sa kanila ay namatay dahil sa isang propesiya pero nabali ang propesiya ng magkakilala ang mga magulang niyo, Safi at Gabby. Dahil ito sa mga namanang mahika nila sa kanilang mga magulat at ninuno pa. Lumipas ang mga buwan at taon na ipinanganak kayong dalawa, nagkaroon agad ng hidwaan sa pagitan ng Dark Empire at Magic Empire na siyang ikinamatay ng Queen, pero iyon ang alam ng Dark Empire. Dahil ang totoo, hinid patay ang Queen. Natutulog lang siya na parang isang prinsesang hinihintay ang kanyang prinsipe." Naputol ang kwento ni Master Wayne ng magsalita si Flint.
"Eh Master, Ano po ba ang solusyon para magising na ang Queen?" Flint.
"Kailangan ng skin contact mula sa asawa nito o sa anak. At kayo iyon, Safi at Gabby. Pero hindi pa sa ngayon. Dahil si Queen Safiana ang alas natin para matalo ang Dark Empire." Pagtatapos ni Master Wayne ngunit sa kanyang pagtayo sa kanyang kinauupuan ay isang malakas na pagsabog sa labas ang kanilang narinig. Sabay sabay namang nag silabasan ang magkakaibigan.
"Pa-paanong...?" Sabi ni Flint.
"Anong nangyayari? Xyan, sabihin mo sa akin ano nangyayari?" Sabi ni Safi na tila nakakaramdam na ng galit.
"Huminahon kayo. Isa itong babala. Sinira ng taga Dark Empire ang Shield ng Magic Empire." Sabi ni Xyan.
"At pwede na silang makapunta dito sa loob ng Empire natin. May access na sila. At hindi natin iyan dapat hayaan." Sabi ni Ivy na tila nag iisp ng paraan para di matuloy ang pagkasira muli ng kanilang lugar.
Nagulat ang magkakabigan sa inasal nina Gabby at Safi. Nanatili kasing tahimik ang dalawa, naramdaman ng magkakaibigan ang napakalakas ng enerhiyang bumabalot sa katawan ng kambal. Sinubukan na basahin ni Red ang isipan ng isa sa mga kambal ngunit hindi niya ito nagawa. Hanggang sa lumitaw ang kulay Silver at Gold na pakpak ng dalawa. Umangat sa Ere ang dalawa. Nagpaikot ikot hanggang sa nakagawa silang magkambal ng isang Thunder at Lightning habang ang kanilang katawan ay nababalot ng matitingkad na kulay. Sa ganung posisyon nina Safi at Gabby ay hindi na nag aksaya ng panahon sina Flint at Xyan kaya pumunta agad sila sa kinaroroonan ng kalaban.
"Sa tingin niyo kaya niyo kami?" Sabi ni Zion kasama si Will kina Xyan at Flint.
Hindi naman nagsasalita sina flint at Xyan bagkus ay nilabanan nila ang dalawang tao sa harapan nila. Nag warm up muna sina Flint at Xyan. Basic Fights. Hindi nila pwede gamitin ang kanilang buong lakas dahil alam nilang dalawa na pwede silang panghinaan agad. Nung alamn nilang tinawag na nina Will at Zion ang Black Demon Dragon ay sumabay naman ang magkakaibigan. Pinag isa nila ang kanilang dragon at inutusan an tapusin na ang laban.
Tumingin lamang ng taimtim ang dragon sa kanila saka nilabanan ang Black Dmeon Dragon. Tanging hiyaw lamang ng Dragon ang kanilang naririnig. Hanggang sa tuluyan nilang natalo ang Black Demon Dragon kasabay ay ang paglaho nina Zion at Will.
Samantala. kasama ni Master Wayne sina Safi at Gabby at tinungo ang kinaroroonan ng kanilang ina.
*****
#revisedcorrectionsfinalized #done
BINABASA MO ANG
MAGIC EMPIRE (COMPLETED!!!!)
FantasyNO PLAGIARISM!!! JUST FULL IMAGINATIONS..... THIS IS IT. ANOTHER STORY TO MAKE AND UPDATE.