TTLC 7

249 4 0
                                    

Angelo's POV:

Andito ako ngayon sa condo ni Adriel, para yayain siyang gumala total naman weekened naman ngayon, kaya magunwind muna kami bago dumating ang hell week next week.

"Bro! gala tayo, ang boring eh!" pagaaya ko sa kaniya habang naglalaro ako sa cell phone ng mobile legends.

"..." bat yun? Hindi sumasagot. "HOY!!!"

"Ano ba!!! Ang gulo mo!" binato ko nga ng unan, ayaw akong pansinin eh.

"Ano ba yang ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya may hawak kasi siyang libro.

"t*anga lang bes? Edi nagrereview!" naiinis na sabi niya.

"Ano?" baka mali lang ako ng narinig eh imposibleng magrereview yan, tamad magaral yan eh.

"NAGREREVIEW AKO!!!"

"Pfftt~ HAHAHAHAHAHA!!! Aray!!" binato ba naman ako ng libro sa mukha.

"Ang gulo mo! Umalis ka na nga dito!" hinihila niya ako palabas ng condo niya.

"Wag mo naman akong paalisin, maggroup review nalang tayo." Natatawang sabi ko sa kaniya, pero di niya ako pinapansin.

"Alam mo? Umuwi ka na nga lang at magreview rin! Hindi yung nanggugulo ka dito." At tuluyan na nga akong pinagsarhan ng pinto. Mali ata ako ng napasukang condo eh hindi si Adriel yun! HAHAHAHAHA.

*Hell week (Examination week)

Adriel's POV:

Ganto pala no? pag nagreview ka talaga, sisiw nalang sayo ang exam. Kasalukuyan kasi kaming nageexam sa math.

"Pst." Bulong sakin ni Angelo. Tss istorbo matapos akong pagtawanan nung sabado, ngayon hihingi-hingi siya ng sagot.

"Pa kopya ako Adriel!." Bulong ulit niya sakin, pero di ko siya pinapansin at pinagpatuloy ko lang ang pagko-compute.

"Okay! Time's up, finish or not finish kindly pass your paper's in front." Buti nalang natapos ko ang exam hahaha sisiw.

*Lunch break

"Hi yam!! I miss you *pout*" pano ba naman kasi ngayon lang ulit kami nagusap.

"Miss you, mo yang mukha mo." Pagsusungit niya sakin.

"Aray naman yam, di mo ba ako namiss?" pagpapacute ko sa kaniya.

"Hindi!" may PMS ata tong babaeng to.

Pumunta na muna ako ng counter para magorder ng kakainin namin ni Cass nang..

"Hi Adriel." Bati sakin ni Sam, pero di ko lang siya pinansin. "Adriel are you free on 26?" tanong niya sakin pero di ko parin siya kinikibo. Hanggang sa pinulupot na niya yung kamay niya sa braso ko.

"Pwede ba, bitawan mo nga ako." Pagsusungit ko sa kaniya.

"Ouch ha! Why so rude to me? Para namang wala tayong pinagsamahan sa inaasta mo sakin ngayon." Di ko nalang siya pinakinggan at bumalik na ako sa table namin ni Cass.

"Yam kain ka na, para tumaba ka." Pagbibiro ko sa kaniya.

"..." problema nito? Bat di ako kinikibo ng babaeng to?

"Yam? Selos ka na naman? Hahaha"

"Ako??? Hahahaha hell no!"

"Don't worry yam, di ko naman siya pinapansin kanina eh, wala lang yun ikaw naman mahal ko eh." Sabay pinch ko sa ilong niya.

Cassandra's POV:

"Don't worry yam, di ko naman siya pinapansin kanina eh, wala lang yun ikaw naman mahal ko eh." –Adriel, hey heart yan ka na naman nagwawala huhuhu, he didn't mean that, cassanova yan kaya sanay yang magpakilig ng babae.

"Oo nalang, kumain ka na nga diyan, gutom lang yan." Sarcastic kong sabi sa kanya. Di ko naman kasi alam kung anong isasagot ko eh mamaya madulas pa ako at sabihin sa kaniya na 'oo mahal din kita yam' hayys, kaya yun kumain nalang kami and after nun, bumalik na kami sa classroom para magexam ulit.

Habang nageexam kami, na pansin kong parang may mali sa kay Sam, nasa gilid  ko kasi siya ngayon, tatanungin ko sana kung okay lang ba siya, pero baka mamaya tarayan niya lang ako saka di pa kami okay matapos nung nangyari sa amin sa canteen.

Pero in the end kinausap ko siya para tanungin kung okay lang siya, namumutla na kasi siya.

"Sam, are you okay?" Bulong ko sa kaniya, nagok-sign naman siya, pagkasilip ko sa kaniya para siguraduhing ok lang talaga siya..

O__O

"S-Sam d-dumudugo i-ilong mo." Pagaalala ko sa kaniya, agad naman niyang pinunasan iyon, after nun tumayo siya para ipasa ata yung test paper ng biglang..

"SAM???" sigaw naming lahat ng mahimatay siya. Kaya nilapitan siya ni ma'am para icheck, ano bang nakain ng babaeng yan, namumutla siya parang wala na siyang dugo sa itsura nya ngayon eh.

Lumapit narin si Adriel kay Sam para I check kung anong nangyari. Ooppss Cass hindi ito yung oras para magselos ka. Agad namang binuhat ni Adriel si Sam papuntang clinic.

"Class stay here, walang lalabas just put your test papers in the table." Pagkasabi ni ma'am nun sumunod na siya sa clinic.

Adriel's POV:

Ano bang nangyayari sa babaeng to, ang putla putla na parang wala ng dugo sa itsura niya ngayon tapos gumaan pa siya compare dati.

*clinic...

"What happened?" Tanong ng doctor sa clinic.

"Ni running nose po siya doc and after nun na himatay nalang siya." Sagot ko sa doctor. Habang chinecheck ng doctor yung BP niya, napansin ko yung braso ni Sam na puro pasa? Anyari dito? May bumugbog ba sa kaniya?

"Kailangan na natin siyang, itakbo sa hospital, para salinan ng dugo, and besides mababa din BP niya." Salinan ng dugo???

Pagkasabi na pagkasabi nun ni doc, agad na tumawag yung ng ambulansya para itakbo si Sam sa hospital.

The True Love of Casanova [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon