Cassandra's POV:
Nandito na ako sa room ngayon nagbabasa ng libro habang inaantay ang klase, nang biglang nagtilian yung mga babae sa corridor na rinig na rinig dito sa classroom. Bumalik na kaya si Adriel? Hindi pa ako ready'ng makita siya hayyss.
"Hi Cassandra." Bati ng isang pamilyar na boses, kaya binaling ko ang tingin sa kanya. "Ikaw?" Gulat na tanong ko.
"Oo, ako nga Cassandra." Natatawang sagot niya. "Anong ginagawa mo dito?" Naguguluhang tanong ko naman. "Dito na ako magaaral, di na kita iiwan pang muli." Sabay ngiti niya ng malapad.
'Bakit kilala ni Cass yang si pogi?"
'Ang landi talaga ni Cass matapos si Adriel, yung bago naman ang isusunod niya?'
'Kaya nga eh, running for valedictorian pa naman siya tapos ganiyan pinapakita niya'
"Aheem! Excuse beautiful ladies, Cassandra is not a slut, she's my childhood best friend that's why we know each other." Sabi ni Kevin sa mga babaeng nagbubulungan, kaya agad naman silang tumigil.
"Seryoso ka ba sa sinabi mo? Na dito ka na magaaral?" Naguguluhang tanong ko ulit kay Kevin na ngayo'y nakaupo na sa tabi ko. "Oo nga haha, pumayag na sila mommy, since magtatayo sila ng business dito sa Philippines." Pagkasabi niya nun napayakap nalang ako sa kaniya sa tuwa dahil sa narinig ko. Na miss ko rin kasi siya eh.
"Good morning class!" Bati ni ma'am samin pagkapasok niya. "Good morning ma'am." Sagot naman naming lahat. "I heard that there's a transferee here?" Pagkarinig ni Kevin nun agad naman niyang tinaas ang kamay niya. "Ok kindly introduce yourself here in front." Agad namang tumayo si Kevin at pumunta sa harap.
"Good morning to each and everyone, My name is Kevin Villanueva, I came from states but my family decided to continue my studies here because of our business matter." Pagpapakilala ni Kevin sa lahat at naupo na ulit sa tabi ko.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Ficção Adolescente[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.