Adriel's POV:
*sa tawag*
"Bro, ano na? nagawa mo na ba yung pinapagawa ko sayo?"
"Oo bro, nalagay ko na sa labas ng bahay nila, basta yung libre ko ha?" tss puro talaga pag-kain tong si Angelo =_=
"Oo na, alam ko namang puro ka pagkain eh tsk, thanks Bro."
"Ang effort mo bro ah, Ikaw na ba yan, yung DATING ADRIEL? Hahaha."
"tss, bye na nga maaga pa kami ngayon."
"Bro wait, di ka naman kasama sa maglilinis ha? Atsaka bat kasi di mo pa ipalinis sa mga janitor niyo yun, edi wala na sana silang po-problemahin ngayon lalo na yang Yam mo."
"Bro tutulungan ko si Yam, atsaka kilala mo naman si Tita diba? Mag susumbong yun kila mommy at isa pa baka tuluyan na niyang tanggalan ng chance si Cass na maging valedictorian."
"Sige sige kaw bahala, so kitakits nalang sa school."
"Ge" *toot toot*
Sana mapatawad na ako ni Cass *deep sigh* sa sinabi niya sakin kagabi.. nasaktan ako dun, kakaumpisa palang ng relation namin, pinapalayo na niya ako agad. Kaya yung hell days na sinasabi niya? Sisiguraduhin kong hindi na madadagdagan pa yung kamalasan na dinulot ko sa kaniya. Babawi ako Cass.
Rose's POV:
Ngayon papunta na ako sa bahay nila Cass magkalapit lang naman bahay namin eh kaya ng lakarin, at isa pa same village naman kami kaya makikisakay nalang ako sa kotse nila haha para tipid narin sa gasoline XD.
o.O? "Ano to? Hala? B-baka BOMBA??" bulong ko sa sarili kasi may nakita akong isang malaking paper bag sa tapat ng bahay nila Cass. "To my Yam?" nabasa ko sa paper bag. Ah no doubt kay Adriel to. Kaya nag doorbell na ako, pinapasok naman ako ni Manong guard agad.
"HI SISSY ^_^, penge ako ha?" kumuha ako ng kinakain niya hahaha. "Hi tita ^_^ *beso*" bati ko naman sa mommy ni Cass.
"Hello Rose, bakit ang aga niyo ata ngayon na papasok?" tanong ni Tita
"Ah may gagawin po kasi kami ngayon, kailangan po naming tapusin yun tita hehe."
"Edi kung ganon kumain kayo ng marami para di kayo magutom."
"Opo" sagot namin ni Cass, tapos nun pumunta na ulit sa kusina si Tita.
"Sis ano ba yang dala mo? Ang laki naman niyan." Tanong ni Cass
"Ah heto ba? Nakita ko lang sa labas ng bahay niyo para sayo daw." Tapos binigay ko na sa kaniya yung paper bag. Kinuha naman niya.
"To my yam?" tapos may kinuha siyang letter ata na nakadikit sa paper bag.
Cassandra's POV:
Dear Yam,
Yam, sorry for being jerk yesterday di kita naprotektahan sa mga fans ko sikat at Gwapo kasi boyfriend mo eh ;) , at sorry din kasi nang dahil sakin mawawalan ka pa ata ng chance na maging valedictorian, Sana tanggapin mo yung peace offering ko sayo L . I love u yam, ingat sa pag-pasok.
Your sweet boyfriend,
Adriel
Sus, kala niya makukuha niya ako sa ganto-ganto ha tsk, matapos mangyari yung mga first time ko kahapon gusto niyang magbati kami agad sa simpleng EFFORT NIYANG ITO!
"Huy! Bat naka-busangot ka nanama diyan? Ang aga-aga eh. Ano ba nakasulat?" di ko nalang pinansin si Rose at binuksan ko nalang yung paper bag. "Wow ang cute naman niyan sis, ayiieee haha may tinatago rin palang sweetness yung cassanova na yun."
Yeah, cute nga tong life size teddy bear na ito, at I admit nagustuhan ko siya, pero di parin ako magpapaapekto dito tss, anong akala niya sa akin? Easy to get na sa simpleng ganto lang mapapatawad ko na siya. NO WAY!
"Sis huy! Di mo ba nagustuhan? Akin nalang kung hindi."
"Pumasok na tayo." Sabi ko, ng tigilan na ako ni Rose
"Oh? Bakit may life size teddy bear dito?" sabi ni mommy, uh-oh, nakita niya yung hawak kong bear. "saan galing yan? May manliligaw ka na ba ulit baby? Bakit di ka na nagshe-share sa mommy?" pagtatampo ni mommy
"Mom mahaba pong kwento eh hehe, next time po sasabihin ko sa inyo, alis na kami mom ha? Late na po kasi kami *smack*" pina-akyat ko nalang kay yaya yung teddy bear at sumakay na sa car.
Adriel's POV:
"Tita please naman oh, walang kasalanan si Cass sa nangyari kahapon kaya wag niyo po siyang lagyan ng record dito sa guidance." Pag-pupumilit ko kay tita, dito sa office niya, oo tita ko ang principal dito sa school kapatid siya ng daddy ko. Si Angelo lang din ang nakakaalam na tita ko siya.
"Himala ata nephew, seryoso ka na ba ulit sa babae ngayon?"
"Tita, naman tsk di ako nakikipagbiruan, please naman kahit anong consequence ang ipagawa mo sakin gagawin ko para ibigay mo lang gusto ko."
"Kahit ano?"
"Oo nga kulit mo naman eh."
"Oi gumalang ka nga mas matanda ako sayo."
"Oo na PO."
"Lumapit ka, ibubulong ko sayo." Lumapit nga ako kay tita, "ashadgjsdhygfujygfjhjdhs"
"ANO???? TITA NAMAN TSK NAKAKATAMAD NAMAN NUNG PINAPAGAWA MO."
"Di mo gagawin? Ok, madali lang naman akong kausa---"
"Oo na gagawin ko na." lumabas na ako ng office niya ng padabog tsk. Matulungan na nga si Yam sa pag-lilinis.
Sam's POV:
Yes! Nagka-POV din -_- my name Is Samantha Dela Cruz, transferee ako dito, I came from USA at ngayon nagbabalik ako para sa isang tao.
Argghh kainis! Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nag linis aish, RICH KID kasi ako. Kung hindi lang dahil sa babaeng yan hindi to mangyayari eh tsk. At ang nakakadagdag pa ng inis ko, yung pagtulong sa kaniya ni Adriel sa pagli-linis. Ah alam ko na ang gagawin ko bwahahahaha.
"A-aray!!!" daing ko, Nag-silapitan naman yung mga friends ko sakin.
"Bessie? Are you okay?" tanong ni Diane, duh Bessie! Do I look, ok? Tss
"OH MY GOSH! M-MAY D-DUGO!" gulat naman na sabi ni Riza, nakita ko namang papalapit na samin si Adriel, YES! Gumagana yung plano ko hahaha. Kaya nag panggap pa akong nahihilo na.
"What's happening here? S-Sam???" ayun nagpanggap na nga akong nahimatay at naramdaman ko nalang na binuhat ako ni Adriel ng pangkasal.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Novela Juvenil[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.