Adriel's POV:
Thanks God dahil ngayon graduate na kami. Masaya ako para sa mga lovelife ng kaibigan ko hahaha.
"Adriek, kailan ka ba magkakaroon ng girlfriend?" Tanong sakin ni Kevin nandito kasi kami sa private resort namin para sa despidida ko.
Nagdecide na kasi akong pumunta sa State at dun ituloy ang pagaaral ko.
"Darating din yan, in God's perfect time, pero sa ngayon gusto kong ibuhos muna ang panahon ko sa pagaaral sa darating na pasukan ulit." Sagot ko naman sa kanila.
"Pero bro! Sure ka ba talagang naka move on kana kay Sam? Baka naman mamaya mas piliin mong maging matandang binata for ever ha! Sayang naman yang lahi mo." Pangaasar naman sakin ni Angelo.
"Sira ka talaga! Syempre una sa lahat di naman kasi basta-basta ang pagmo-move on lalo na kapag minahal mo talaga ang isang tao, pangalawa wala akong balak na maging single forever no! Di naman siguro ako papayag na kayo nagpapakasaya sa mga lovelife niyo habang ako naman unti-unting nagiging bitter at pangatlo gusto ko lang talagang tutukan ang ibang bagay lalong lalo na ang pagaaral ko sa susunod na pasukan." Pagpapaliwanag ko sa kanila.
"Okay na relief na kami sa sinabi mong wala kang balak maging matandang binata." Natatawang sabi naman ni Rose.
"Porket masaya na kayo sa mga lovelife niyo ha! Ginaganyan niyo na ako!"
"Mamimiss ka kasi namin kaya sinusulit na namin ang pangaasar sayo." Saad naman ni Cassandra.
"Oo nalang." Sabay irap sa kanila na siyang kadahilanan kung bakit sila natawa.
Mamimiss ko rin silang apat kahit papaano, syempre si Angelo and Kevin best friend ko na ang mga yan, masaya ako dahil naging close ko din ang dalawang to si Rose at si Cassandra.
Dahil sa mga nangyari sa taong ito marami akong natutunan. Talagang masasabi kong mas naging matatag ako ngayon dahil sa mga kaganapan na nagdaan sa buhay ko. Yung mga lesson na natutunan ko sa mga yun ay ia-apply ko sa panibagong yugto ng aking buhay.
Kung tatanungin niyo ako ngayon kung ano nga ba at sinobang true love ng dating naging casanova ng school na ito?
Ang masasagot ko diyan si Sam
Dahil..
Sa kabila ng nagawa niyang pagpapanggap noon, nagawa ko parin siyang patawarin at mahalin, Samantha was my true love and I believe to the quote that first love never dies, but I'm unluckily because Samantha will never be my last.
Oo pinagtagpo nga kami pero.. Hindi naman itinadhana maybe there's someone here in the world ang talagang nakalaan para sakin, pero hindi pa ako handang makilala siya. Dahil gusto ko pag magmamahal ulit ako yung talagang buong puso maibibigay ko sa kaniya o sa madaling salita, kung nakamove on na ako ng tuluyan kay Samantha.
[THE END]
-May 28, 2018
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.