Adriel's POV:
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Sam dito sa bahay nila, inihahanda yung surpresa ko para sa kaniya malapit na kasi ang first monthsary namin, baka di na namin macelebrate sa exact na date yung monthsary namin dahil sabi ni tita dadalhin niya na daw si Sam ulit sa USA, eh hindi naman ako agad-agad makakasunod dahil marami pang aayusin at gagawin.
Habang dinidikitan ko ng pictures yung mga lobo, bumabalik din lahat ng nakaraan namin ni Sam mula pagkabata.
Sa unang picture ito yung naglalaro kami nun ni Sam ng kasal-kasalan, dito kami unang nangako sa isa't-isa na kami dapat magkatuluyan hanggang huli.
Sa second picture ito naman yung naging flower girl siya at escort naman niya ako sa kasal ng ate niya.
Dito naman sa pangatlo ito yung graduation picture namin together nung elementary.
At marami pang ibang kaganapan sa buhay namin, pero ang hindi ko makakalimutan sa lahat ay yung nagaminan kami na gusto na namin ang isa't-isa, syempre pag elementary naman kasi normal lang yung crush pero nung nag high school na kami di mo na mapigilang magselos sa iba.
Flashback..
"Hey! Mr. Valdez! Are you flirting that girl?" Naiinis na tanong sakin ni Sam, "Of Course not! I am just helping her because it seems that she can't walk by her own." Sagot ko sa kaniya, tinutulungan ko lang naman kasi tong kaklase namin na natapilok sa suot niyang heels, ewan ko ba kasi dito high school palang kami pero kung makapagsuot ng may takong parang sasali na sa Ms. Universe.
Ipi-piggy back ko na sana yung classmate namin para dalhin sa clinic nang biglang nagwalkout si Sam. Susundan ko sana siya kaso di ko naman pwedeng iwan tong kaklase namin gantong sitwasyon.
"Kevin!" Sigaw ko kay Kevin ng mapadaan siya sa corridor, buti nalang dumating to. "Yes? What's your problem?" Tanong niya. "Please bring her in the clinic, because I need to follow Sam." Sabi ko sa kanya na agad naman niyang ginawa kaya, sinundan ko na si Sam para kausapin kung ano bang problema niya.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.