It's been a week simula nung date namin ni Adriel sa private resort nila. It's been a week also na hindi ko na nakikita si Adriel pumasok I don't know why, mabuti narin yun kasi hindi ko pa siya kayang harapin sa kabila ng nangyari samin nung 27.
Pati si Angelo hindi nagpapakita last week ewan ko lang ngayong Monday, kung papasok siya. Nandito kami ni Rose sa room naghihintay magstart ang klase.
"Asan na ba yung Angelo na yun, at nang matanong natin kung asan yang Adriel na yan!" Iritado niyang sabi. Nakwento ko narin sa kanya yung nangyari.
"Ano ka ba Rose, hayaan mo na nga yun, kung ayaw nilang magpakita edi wag who cares? Saka mabuti narin yun para walang awkwardness na mangyari." Giit ko sa kaniya kaya ayun nanahimik nalang siya at naglaro sa cellphone niya.
Flashback..
"Mahal na kita." -ako
"Let's stop this." -Adriel
Nung oras na yun nabingi ako at naghalo-halo ang emotion ko; may halong sakit at kahihiyan sa sarili ganun narin ang pagsisising dapat di ko nalang inamin dapat hindi ko nalang hinayaan ang sarili kong mafall pa sa kaniya ng tuluyan.
"W-what did you s-say?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Nothing just forget about it." Giit ko habang nagpipigil ng luha.
Bat kasi Adriel!!! Pafall kang tao! Tapos ngayon hindi mo ako kayang panindigan hayys.
Tumayo na ako sa kinauupuan ko bago pa niya ako makitang umiyak at naglakad palayo sa kaniya, pagtalikod ko, dun na bumagsak mga luha kong kanina pa gustong kumawala.
"Cassandra, I'm sorry, but I decided that we can't continue our fake relationship anymore." Natigilan ako sa sinabi niya, yah! Our relationship was fake! I was fool and hate myself right not because I take seriously.
Nag okay sign nalang ako sa kaniya bilang tugon at naglakad palayo, Di ko naman kasi alam ang sasabihin ko sa kaniya eh gusto kong magalit! Gusto ko siyang sumbatan! Gusto ko siyang sampalin! Pero..hindi pwede kasi.. Simula't sapul wala namang kami wala akong otoridad kasi uulitin ko "walang kami"
At isa pang kinaiinisan ko for the last time na dala na naman niya ako sa effort niyang peke, may nalalaman pa siyang ganto? So hindi pala date ang pinunta ko dito eh kundi pa farewell party niya para sakin.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.