Angelo's POV:
"San mo ba ako dadalhin Angelo?" Tanong sakin ni Rose. Piniringan ko kasi siya at nilabas sa event center ng hotel na ito.
"Basta!" Natatawang sagot ko naman. Dadalhin ko kasi siya ngayon sa rooftop, dahil may inihanda akong surpresa para sa kaniya.
*rooftop*
"Nandito na tayo." Excited na sagot ko. Kaya agad kong tinanggal ang piring niya.
"Wow!!!" Sabi niya nung pagkatanggal ko ng piring niya. "Ikaw nag prepare ng lahat ng ito?" Tanong niya, kaya nagnod naman ako at nginitian siya.
"Inihanda ko lahat ng iyan, para sayo Rose." Nakangiti kong sagot. Kaya agad naman siyang napayakap sakin dahil sa tuwa siguro.
Naghanda kasi ako dito ng dinner date namin, may nakapalibot na heart na roses and candles sa table at sa tabi naman nito may isang couch kung saan nandun lahat ng regalo ko para kay Rose; Isang life size teddy bear, bouquet ng blue roses, at kwintas na may pendant na unique.
Ginabayan ko naman siya para maka upo, kakain muna kami ng dinner nakakagutom eh haha kaya agad ko sinenyasan yung waiter para iready na ang mga kakainin namin.
"Thank you Angelo, you made me so special tonight."
"Lagi ka namang special para sa akin eh." Sagot ko naman.
Nang maayos na ng waiter ang lahat, nagstart na kaming kumain habang kumakain kami nagkukwentuhan lang kami at nagtatawanan dahil inaalala namin ang lahat ng nangyari samin dati kung paano kami nagkakilala.
"Naalala ko pa noon para tayong mga aso't pusa kung magbayangan hahaha." Natatawang sabi niya. "Kaya nga eh, pero ngayon tinamaan na ako sayo." Sagot ko naman.
Nang matapos kaming kumain senenyasan ko naman ang violinist nantugtugin na ang favorite song ni Rose.
*playing Can't Help Falling In Love*
"Aw! Talagang alam mo kung ano ang favorite song ko ha!" Natatawang sabi niya. "Syempre ako pa ba?" At kinindatan siya.
Inalalayan ko naman siya sa pagtayo para isayaw siya habang nagpeplay ang music, I admit that she is my first and last dance for tonight.
"Angelo, you were my first and last dance for tonight." Sabi niya habang nakatitig sakin. "Don't worry the experienced was mutual." Natatawang sagot ko naman sa kaniya.
This time magkatitigan lang kami habang sumasayaw.
"Like a river flows surely to the see
Darling so it goes some things are meant to be." Dinikit ko ang noo ko sa noo niya habang sinasayaw siya, this time habang ganon ang posisyon namin pumikit ako habang kinakantahan siya."Take my hand, take my whole too
For I can't help falling in love with you, for I can't help falling in love with you.." Nang matapos ang kanta, tumugtog ulit ng sweet song ang violinist, this time iniwan ko muna saglit si Rose na nakatayo at kinuha ko yung bouquet and kwintas.Nang makuha ko yung mga yun, agad akong lumuhod sa harapan niya.
"Huy! A-Angelo ano to!? K-kasal a-agad aalokin mo s-sakin?" Gulat na tanong niya na siyang kinagulat ko rin.
"Sira ka talaga, wag kang atat darating din tayo diyan pag kaya na kitang buhayin gamit ang perang pinaghirapan ko." Saad ko naman. "Rose Asuncion, di man ikaw ang una kong minahal, but this time I want to save my last for you, Rose Asuncion? Can you be my girlfriend and soon to be my wife?" Dagdag ko sa mga sinabi ko kanina, na siyang kinaiyak niya ngayon.
"My love? Why are you crying?" Pagaalala kong tanong sa kaniya.
"Sira! Tears of joy lang 'to, tumayo ka na diyan! Dahil sinasagot na kita" pagkasabi niyang yun agad akong tumayo at niyakap siya.
"I love you Rose."
"I love you too, Angelo."
Sinuot ko naman sa kaniya yung kwintas na may unique na pendant at bigay yung bouquet.
"Thank you Angelo for this wonderful night I really appreciated it, your efforts, gifts and love for me."
"Wala yun, lahat gagawin ko para sa taong mahal ko, Rose I am very lucky to have you as my girlfriend, I love you." Pagkasabi ko nun hinalikan ko siya sa lips, joke lang sa noo lang at niyakap siya.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.