TTLC 15

71 3 0
                                    

Angelo's POV:

Nandito ako ngayon sa likod ng gymnasium namin, dito kasi kami madalas tumambay ni Adriel, nakakamiss din yung mokong na yun eh tss.

Uupo na sana ako nang may nakita akong natutulog sa likod ng halaman, Rose? Bulong ko sa sarili nung masilip ko kung sino iyon. Ano kayang ginagawa niya rito?

Naupo ako sa tabi niya at tinitigan lang ang maamo niyang mukha, para kang anghel kung matulog Rose, kailan kaya ako magkakaroon ng lakas nang loob para aminin sayo na matagal na kitang gusto. Hinawi ko ang buhok na hinangin na nagsanhi sa pagtakip ng mukha niya nang bigla siyang nagising.

"Angelo?? Anong ginagawa mo rito?" Tanong niya nung makabangon, "At saka bat hawak mo mukha ko?" Dagdag niya.

"Excuse me lang ha, ako dapat ang nagtatanong niyan sayo eh kung bakit ka nandito? Eh sa pagkakaalam ko, bawal pumunta ang ibang studyante rito bukod samin ni Adriel at pangalawa di ko hinahawakan yang mukha mo! May nahulog lang na dahon kaya inalis ko, yun lang yun." Pagpapaliwanag ko naman sa kaniya

"Na curious kasi ako kanina, kung bakit bawal pumunta rito, kaya nung nakita kong maganda naman at peaceful ang lugar na to, tumambay na ako rito, wait nga lang bat kayo lang ni Adriel ang pwedeng pumunta rito ha?" Naguguluhan niyang tanong. Hala anong idadahilan ko? Eh hindi naman pwedeng sabihin ko na sila Adriel ang may ari ng school na to.

"K-kasi alam mo namang sikat sa school na to si Adriel diba? Dito kami nagtatago para di siya pagkaguluhan ng mga linta girls." Sana maniwala siya sa dahilan ko. "Ah, okay!" Sagot niya.

"Wait bat di mo kasama si Cass?" Tanong ko. "Ayoko kasing ma OP sa kanila ni Kevin, maiinggit lang ako."

"Bakit ano bang meron sa dalawa?" Tanong ko ulit "nagliligawan na ba? Hahaha." Dagdag ko. "Parang ganon siguro." Sagot niya.

The True Love of Casanova [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon