TTLC 17

71 3 0
                                    

Adriel's POV:

Babe sorry kung mauuna na ako sayo ha? Di ko na kasi kaya, gusto ko ng mamahinga sorry kung sumusuko na ako, sorry kung di ko na matutupad yung mga pangako ko sayo at sorry kung hindi na ako yung babaeng makakasama mo sa lahat ng mga pinangarap natin dati na magpapakasal at bubuo tayo ng sarili nating pamilya, sorry babe.

Babe sana sa pagalis ko, huwag kang babalik sa pagiging rebeldeng Adriel di ko kakayaning makita ka ng ganon sa kabilang buhay, at saka binibigyan kita ng chance na maghanap ng iba pag nawala na ako, promise ngayon pa man din masaya na ako pag nahanap mo na ang ipapalit mo sa akin.

Mahal alam ko sa pagpanaw ko sa mundong ito, ay may paraisong naghihintay sa akin, paraisong magiging bago kong tahanan, yung lugar na masaya, payapa at higit sa lahat wala ng pighating mararamdaman. Kaya hinihiling ko sayo please mahal wag mo na akong iisipin pa pag nawala ako, please mahal gusto kong magmove on kana pag nawala ako. Alam kong hindi madaling gawin iyon pero please pilitin mo babe, pag nagkataon yun muli inuulit ko ngayon pa man din sinasabi ko na magiging masaya ako para sayo.

I Samantha signing off in the life of Adriel Yvo Valdez.

Isang Lingo na ang nakakalipas simula nung namatay si Sam hanggang ngayon sariwa parin ang lahat lalo na ngayong wala ako sa tabi niya para ihatid siya sa huli niyang hantungan. Nagdecide kasi sila tita na sa America na lang siya iburol at ilibing since andun na lahat ng kamaganakan nila.

Nakailang beses ko na ring  basahin yung sulat na binigay sakin ni Tita bago sila umalis, sulat na huling habilin sakin ni Sam.

Sam nahihirapan akong gawin yang hinihiling mo sa akin. Tulungan mo ako para magawa yoon. Masakit isipin dahil hindi na ikaw yung makakasama ko sa pagbuo ko ng sariling pamilya.

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!" Tilian ng mga babae sa loob ng gym, anong meron dun? Masilip nga kung anong nangyayari dun.

Andito kasi ako sa likod ng gymnasium, kung saan kami tumatambay dati ni Angelo. Ngayon lang ulit ako papasok sa school, sabi ni tita tiisin ko na daw dahil patapos na din naman ang school year onting araw nalang at gagraduate na kami sa pagiging high school.

"Rose Asuncion, can you be my date on our completers night?" Tanong ni Angelo kay Rose habang nakaluhod pa ang mokong hahaha, sila pala ang tinitilian ng mga tao dito dahil sa kilig.

Ngayon ko lang napagtanto na matagal rin pala akong hindi pumasok sa school na ito, marami na akong na miss out hindi lang ang klase kundi sa mga kaganapan na nangyayari sa school na ito lalong lalo na sa kaibigan kong si Angelo, na ngayon ko lang nalaman na nanliligaw na pala kay Rose. *deep sight*

"Oo naman no Angelo! May choice pa ba ako?" Pabirong sabi naman ni Rose. "Grabe napipilitan lang?" Kunwaring pagtatampo naman ni Angelo. "Joke lang syempre! Tumayo ka na nga diyan! Pumapayag na ako Angelo." Pagkasabi ni Rose nun agad namang tumayo si Angelo at niyakap si Rose dahil dun nagsitilian na naman ang mga tao rito sa gym.

Completers night na pala next week, pupunta pa ba ako? Wag nalang kaya, wala rin lang naman akong kadate.

"Adriel?? Kuys! Ikaw na ba yan?" Gulat na sabi sakin ni Angelo na ngayo'y palapit na sakin. "Hindi! Malaking picture  frame lang tong nakikita mong Adriel ngayon!" Pangaasar ko sa kaniya.

This time nakayakap na siya sakin. "Na miss kita Adriel! Long time no see!" Sabi sakin ni Angelo. "Huy! Bitawan mo na nga ako baka isipin nila pinagpapalit mo na si Rose sakin." Pangaasar ko sa kanya.

"Gago! Oo mahal kita pero mas mahal ko na si Rose kesa sayo."

"Sira ulo!" Sagot ko kay Angelo. "Welcome back mr. Casanova or should i say Ex-Casanova haha." Bati naman sakin ni Rose. "Tss ang ganda ng bati mo bravo!" Sarcastic na sabi ko naman kay Rose. "Sorry na hahaha." Pero inirapan ko nalang siya bilang tugon kala niyo babae lang ang nangiirap ha? Kami ding mga lalaki marunong.

Bat kaya di na nila kasama si Cas? "Huy! Anong tinutunganga mo diyan?" Tanong sakin ni Cas. "Wala ka na dun!" Sagot ko naman. "Ah alam ko na hinahanap mo si Cas nu? Tara na nga puntahan na natin sila." Pangaasar naman sakin ni Angelo, wait pupuntahan 'sila'? Sino kaya yung kasama ni Cas?

The True Love of Casanova [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon