Kevin's POV:
Palapit na sana ako sa room ni Samantha para dalawin siya nang may nakita akong babaeng nakatayo sa harap ng room ni Sam. Paglapit ko, si "Cassandra?" Gulat na bulong ko sa sarili, bakit kaya siya umiiyak? Para malaman ang kasagutan sinilip ko kung anong kaganapan sa loob ng room ni Sam then I saw them hugging each other.
Si Cassandra na nasa harap ko di man lang ako napansing nasa likod niya dahil sa busy siya sa pagiyak.
Kaya tinakpan ko ang mga mata niya gamit ang palad ko at hinila siya palabas ng hospital "Hey! Sino ka?" Tanong niya sakin pero di ko lang siya pinansin at patuloy parin sa paghila sa kaniya sa labas. "Ano ba! Sino ka ba! Bitawan mo nga ako!" Pagkasabi niya yan, agad ko na siyang binitawan. "IKAW???" Gulat niyang tanong sa akin, nginitian ko lang siya at niyakap ako.
"Long time no see , Kevin!" Masayang sabi sakin ni Cass. "Kailan ka pa nandito? Ang daya mo di ka man lang nagsabi!" Dagdag niya habang nagtatampo kunwari.
"Kararating ko lang nung isang araw, susurpresahin sana kita kaso nakita kita rito sa hospital."
"Ano palang ginagawa mo rito?" Sabay naming tanong sa isa't-isa. Kaya sabay lang kaming tumawa.
"Tara na nga muna kumain muna tayo don't ya worry libre ko, bago natin sagutin yung tanong natin sa isa't-isa." Pagaaya ko sa kaniya, kaya nagnod naman siya at sumunod sakin sa kotse.
At Mang Inasal..
Nandito kami ngayon sa Mang Inasal, pumipila para umorder ng makakain.
"Alam na alam mo parin talaga ha, kung anong gusto ko." Natatawang sabi ni Cass, kilala ko na siya simula bata kami, mahilig yan sa mga unli na pagkain para daw hindi siya mabitin.
"Hahaha oo naman ako pa ba? Makakalimutan kita? *wink*" sagot ko sa kanya, na agad naman akong binatukan pero mahina lang. "Let's have a deal!" Agad naman siyang napatingin sakin. "Paramihan tayo ng kanin, kung sinong matalo manlilibre ng pangsine." Alok ko sa kaniya.
"Sure! Kala mo matatalo mo ako ha!" Pagmamayabang niya na tinawanan ko lang.
"Good afternoon ma'am/sir ano pong order niyo?" Tanong ng crew samin. "Two PM2 with coke drinks and 2 large halo-halo dine in." Order ko after nun binigay ng crew yung receipt and no. Namin kaya't naghanap na kami ni Cass ng mauupuan.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.