Kevin's POV:
"Asan na ba yung dalawang yun? Kanina pa sila wala ah." Nagaalalang tanong ni Cassandra, dahil kanina pa wala ang dalawa.
"Baka naglalampungan na." Natatawang sagot naman ni Adriel.
"Che! Di ganun si Rose no!" Saad naman ni Cassandra sa kaniya.
"This time we will announce the King and Queen of the night, are you excited?" Pagkasabi ng emcee nun nagsigawan naman ang mga studyante rito.
"For sure ako na ang King of the night." Natatawang sabi naman ni Adriel.
"Ang hangin mo! Ako na yun for sure." Sagot ko naman.
"Wow ha! Mas lalong lumamig tuloy ang paligid." Pangaasar naman samin ni Cassandra.
"The queen of the night is Cassandra Jean Callanta!" Pagka-announce ng emcee nun halatang nagulat siya. Kaya hindi na muna siya tumayo agad-agad dahil mukhang naninigurado pa hahaha.
"A-ako ba yun?" Di makapaniwalang tanong niya.
"Ay hindi ako siguro." Pangaasar naman sa kaniya ni Adriel.
"Ms. Cassandra Callanta? Where are you? Kindly go in front?" Sabi ng emcee habang nililibot ang mata na halatang hinahanap kung saan nakaupo si Cassandra.
Kaya agad naman siyang tumayo, habang naglalakad siya tinitignan at pinapalakpakan siya ng mga tao.
Pagkaupo naman niya sa throne of queen agad na nagsalita ang emcee.
"This time we have our queen now, so sino naman kaya ang king of the night?" Nagsigawan na naman ang mga studyante especially ang mga kababaihan na sinisigaw ang mga pambato nilang lalaki for King of the Night, yung iba sinisigaw ang pangalan ni Adriel, yun iba naman pangala ko.
"The King of the night! Is no other Mr. Kevin Villanueva!" Wait ano daw? Pangalan ko ba yun?
"Huy bro! Ikaw daw ang king of the night, kaya tumayo ka na diyan at puntahan ang Queen mo." Sabi sakin ni Adriel kaya agad naman akong tumayo at naglakad papunta sa harap.
BINABASA MO ANG
The True Love of Casanova [Book 1]
Teen Fiction[COMPLETED] Ano nga ba ang definition ng true love para sa isang casanova na kagaya ni Adriel? Alamin sa storyang ito.