Truth or Dare

510 12 5
                                    

"Free Student-Day" ito yung program na seni-celebrate ng school namin ngayon at ito rin yung natatanging event na talagang inaabangan ng lahat ng estudyante sa kadahilanang ito lang yung araw na kung saan ay malaya kami sa kahit na anong bagay within the campus, maliban na lang sa talagang mga bawal and that means walang klase.

May pagkakahawig pa rin naman siya sa Fun Fair. Meron rin namang siyang booth subalit ang pinagkaiba nga lang nito ay wala kang aabalahin kundi yung paglalakwatsa lang sa campus. Ginagawa nila ito kada taon lalong-lalo na para sa mga seniors. This might be the perfect timing para aminin yung dapat mong aminin, yung kailangan mong i-confess, o gusto mong sabihin para sa isang tao. Marami na nga yung nangyaring aminan, confessions nila. Yung iba nga siniwalat na rin nila yung hindden desires at secret love nila sa iba.

Ako naman, heto naglalakad lang sa may hallway. Patingin-tingin sa mga nangyayari na kunyari ay investigator kuno dahil iniwan lang naman kasi ako ng mga bruha kong kaibigan kaya ngayon ay todo yung effort ko sa paghahanap sa kanilang mga anino.

Sana naman ay matapos na itong kalbaryo ko at matigil na ako sa kakalakad. Saan ko ba sila maaring hanapin sa mahigit libong estudyante na nandito at nagsisiyahan.

"Hoy Riva Fatima! Nandito kami!" rinig kong tawag nila sa akin kaya napalingon ako. Nasa may kubo pala yung mga bruha kong kaibigan. Hindi ko mawari kung ano ba ang ginagawa nila.

"Nandito lang pala kayo?" tanong ko sa kanila nung nakalapit na ako nang tuluyan. Hindi ko maitatanging may pagkabagot yung boses ko.

"San ka ba galing?" diretsong tanong sa akin ni Xyza. Akala mo naman kung makapagtanong ay hindi nila ako iniwan sa ere.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Iniwan niyo ako eh! Teka? Ano ba yung ginagawa niyo?" nagtatakang tanong ko naman at sumulyap sa kung ano man ang pinagtutuunang pansin nila. Naguguluhan nga ako sa kung ano na naman bang trip ng mga ito.

"Dali! Sali ka! Truth or dare, kung sino man yung ma-pinpoint ng ballpen." paghihikayat pa sa akin ni Angelyn. Dalian nila akong pinaupo kahit di naman ako pumayag. Wala na akong ginawa kundi titigan ang ballpen na umiikot na senyales na nagsimula na nga yung mapusok na laro kung sabihin ng utak ko.

Humikab na lang ako dahil lahat na yata na point na maliban sa akin. May iba pa nga paulit-ulit pa. Pasalamat na ri—-

"Riva! Sa wakas na point ka rin!" sabi na nga ba. I sighed. I want this day to be exciting. Wala bang mas ika-e excite ito? Gusto ko pa naman kasi ng thrill.

"Truth or dare?" tanog naman ni Kris angela. Siyempre yung naging sagot ko naman ay yung tingin kong hindi boring. Siguraduhin lang nilang okay yung magiging dare nila. Baka mamaya ay sobrang dali lang ng utos na yan.

"Dare!" matapang kong sagot.

"Ahmm ano ba?" Tahimik lang sila at nag-iisip ng kanya-kanyang bagay para siguro ay pahirapan ako.

"Teka alam ko na!" Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong kinabahan sa mga ngiting ipinukol nila sa bandang gilid ko.

Sinubukan kong lingunin yung side kung saan naagaw yung attention nila. Halos tumalon sa gala itong puso ko nung nakita ko siya.

Leirran Lester Cruz is merely walking on the alley. Hindi ko maitatanging may gusto ako sa lalaking nagmamay-ari ng pangalan na yan. Sa simula ay wala lang iyon hanggang sa kinilig ako at natutong pumintig ito.

Bigla akong natigil sa pagpapantasiya nung kinilabit ako nung isa. Nawala tuloy yung daydream ko. Naputol tuloy yung meron kami sa daydream ko.

Inis na lumingon ako sa kanila at pinaningkitan ng mata.

"Kailangan mong i-hug si Leirran for one minute then after nun sabihin mo sa kanya yung I love you." Nanlaki yung mata ko sa utos nila. Seriously?! Sure ba si Joyce sa pinagsasabi niya?! Ang hirap kaya!

Binabawi ko na yung challenge na hinihingi ko. Lahat at lahat na huwag lang yung ipahiya ko yung sarili ko sa harap niya. Ang ewan pag nangyari yun.

"Ahh sige ka, kami na lang." Tiningnan ko sila ng masama dahil sa pagbabanta. Todo ngiti lang sila at tila hinahamon nga ako.

I was forced to stood up. I never did this stupidest thing in my entire life. I never let myself humiliated. Hindi itong thrill na ito ang gusto ko.

No choice ako. Okay lang naman siguro dahil last day na rin namin ito. Papalapit na ako sa kanya habang yung mukha niya naman bakas ang pagtataka.

Ngumisi ako na parang wala lang sa kanya kaya mas lalong gumuhit iyon ng pagtataka sa noo niya. Kahit na parang natatae ako ay hindi ko na lamang pinahalata.

I should act cool. Hindi ko dapat ipahalatang kinakabahan ako. I don't know on where did I found the guts to hugged him. Bahala na si Batman.

Isipin ko na lang na isa itong opportunity para makatsansing man lang ako. Wala nang hiya-hiya ito.

"I love you." Hindi pa ako kumawala at pinapakiramdaman muna siya. I was relief that he never pushed me away. If I just could spare another minute to wrapped my arms around him still.

Amoy ko yung manly scent niya sa sobrang yakap ko at hapit sa katawan niya. Mas matangkad siya kaya halos dibdib niya lang ako. Ayaw ko pa sanang bumitaw pero kailangan ko na.

Bakas ang pagkagulat sa mukha ko nung niyakap niya rin ako pabalik. Mas lalong humina ang pandinig ko sa tila bulong na iyon mula sa kanya.

"I love you too." Teka? Totoo yung narinig ko diba? Hindi yun guni-guni? Kakalas na sana ako kaso.

"Please, just give me 5 minutes again." Yakap nya pa rin ako at yakap ko pa rin sya. My heart beats fast.

Walang ni isa ang nagsalita sa amin. Tanging tunog ng puso ko at maging sa kanya ang naririnig ko.

"Riva, totoo yung sinabi ko... Mahal kita.'

Sometimes,  you should take a risk to know your worth. It is not always safe to be in your comfort zone.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon