Prologue:
Nasubukan niyo na bang mag send ng Friend Request sa mismong crush niyo?
Tinanggap ba niya?
O binalewala lang niya?
Susubukan mo ba ulit para tanggapin lang niya?
Makikiusap ka ba talaga?
Pipilitin mo ba sya?
Kukulitin hanggang sa i-accept niya?
O hayaan na lang siya at tanggaping ayaw niya talaga?
Author’s note: Lols! Isa na naman pong kabaliwan ang naisipan ko….
sana po mag-iwan kayo ng comment para ma-improve ko yung mga stories ko.
Be my fan din po and please do vote if you’ve find it nice…..hehehe.Thank you!
Friend Request
By
SecludedFantasy
Chapter 1 Deal
'Hoy! Akala ko bestfriends ko kayo?! Tapos ano toh?! Blackmail?!'pagproprotesta ko sa
kanila.
'Hindi naman sa ganun best, we're just helping you para naman magkalovelife ka. Malay mo
dahil jan sa friend request na yan, magkakaroon ka ng fairytale! Yung akala mong imposible
mangyayari? Malay mo baka gusto ka rin niya!'
mahabang paliwanag ni Kesya na isa sa mga bestfriends ko...TAKE NOTE: bakla po siya. at yung true
name niya? Kevin Alster Vamieda.
Oh wait..baka naguguluhan kayo sa 'friend-request-thingy-na-yan'...eto yung flashback...
........
.........
.......
.......
I'm Silver Niobe Zamora, at kasama ko ngayon yung tatlo kong bestfriends.
Si Zylene Santana at yung dalwang bakla na si Kesya (Kevin Alster Vamieda) at
si Dhalla (David Soriano).
Anyways...andito kami sa round table ng school ground sa lilim ng puno, nag-uusap
at inaabala ang mga nangyayari sa paligid.
'Hoy! Sil! SILVER?!'
'Ha? Ah? Anu yun?'
'Silver naman...hanggang tingin ka na lang jan kay Francis? Naku! girl! ikaw na gumawa
ng first move.'
'Haaay..kahit ako pa man yung gagawa ng first move, di niya pa rin ako mapapansin. Sikat kaya
sya samantalang ako...isa lang sa mga miss nobody ng school.'
'Girl naman eh..ang pretty mo kaya!'
'Eh kasi nam———' aangal pa sana ako ng may tatlong chaka doll na ang lalakas ng boses!
at kung makapag-usap daig mo pa yung kulang na lang eh ipagsigawan yung pinag-uusapan nila!
'Did you know that Francis Vin Mariano accepted my friend request?! Awesome right?!'
'Ang swerte mo naman girl!' yan! yan yung narinig namin! O sige na sila na yung swerte!
'Ayy! Siver! We have a great idea!'
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...