Expect the Unexpected

1 0 0
                                    

Bliss' POV

I'm Serenity Avriel Bliss Avilla. Yeah my name is almost adjective. I'm proud of my name but let's make it short. They always called me Bliss and I'm a third year high school. Siyempre di talaga mawawala sa atin yung sinasabi nilang "crush". Lahat naman siguro nakaranas na ng mga ganyang bagay kasi sabi nila abnormal daw yung hindi.

I admit na may gusto ako kay Tranquil July Zamora. Iyan ang pangalan ng lalaking kinahuhumalingan ko but mostly they called him TJ cause he hates long names. So that means he didn't like me?! I mean sa pangalan ko? Ganun?!

Actually, hindi ko siya ganun kakilala at hindi niya rin ako kilala pero kahit ganun minahal ko siya. Madalas kasi siyang laman ng mga balita ng mga babae dahil may itsura nga naman siya. Gwapo talaga siya kaya di malabong magugustuhan siya ng karamihan at isa na ako dun. Hanggang pangalan ko lang siya kilala pero sadyang tinamaan lang ako ng pana ni kupido para mahalin siya. Magkayear level lang kami pero ni minsan di ko siya naging kaklase. Minsan ng sinisisi ko yung tadhana kung bakit ganyan siya kasama.

Varsity rin pala siya ng school namin kaya nandito ako ngayon, I mean ng mga barkada ko at ng marami pa niyang fans na nanunuod ng volleyball practice niya. Nakalimutan ko rin palang sabihin sa inyo na isang campus hearthrob si TJ at malungkot mang isipin na marami akong karibal. Maganda nga DAW ako sabi nila pero mas maraming hamak na maganda kesa sa akin kaya masyado nang malabo para mapansin niya ako. Pero di naman basehan ang ganda diba? Sana nga hindi siya ganung klaseng lalaki.

"Go TJ!"

"Galingan mo!"

"I love you!"

Iyan ang mga kadalasang sigaw ng mga nanunuod sa kanya. Grabe lang pero ang lalandi na talaga ng iba. May iba pa nga na pinag-aagawan at pinag-aawayan pa siya. Haayss.

Mga babae talaga. Maya-maya pa ay nakita ko siyang nagtime out kasama yung mga barkada niya. Umupo sila malapit sa kinarorounan namin. Grabe! Sobrang saya ko na.

"Dude galingan mo dahil nanunuod si Sab!" narinig kong sabi nung kasama niya sa kanya. Wala na talaga akong pag-asa. Crush nga lang pero ang sakit na.

"Nga bro, baka mamaya niyan maturn-off pa sya sayo!" Ouch! May gusto na pala sya? Matagal nang balita yan rito sa campus na may gusto nga siya at yun ay ang nag-ngangalang Sab daw. Honestly, wala talaga akong kilalang Sab dito eh. Sino ba kasi yang babaeng yan? 

"Tumahimik nga kayo! Anu ba kayo!" saway pa niya.

"Uy! Bro tinitingnan ka nya!" pang-iinis na naman ng kagrupo niya sa kanya at halatang siya naman ay napipikon na. Ang cute naman, madaling mapikon yung crush ko. Pero seriously, nakatingin daw sa kanila si Sab. Sino naman? Actually nakatingin lahat sa kanila particularly kay TJ.

"Pero bro, hanggang kailan mo pa itatago sa kanya yung feelings mo?" naririnig kong usapan nila sa kadahilanang malapit nga lang kami sa pwesto nila.

"Ganito na lang bro, idaan na lang natin toh sa laro." paghahamon sa kanya.

"One on one. Pumili ka sa amin ng makakalaban mo sa volleyball at kapag nanalo ka, lahat ng gusto mo gagawin namin pero kapag sa oras na matalo ka, aamin ka kay Sab ngayon din dito. Total pinapanood ka rin naman niya." di ko alam pero dapat ba akong ma-excite?

Nagsimula na yung laro. Grabe talaga ka-intense yung game para na ngan siyang pang-championship. Ang swerte ng Sab na yun kung sino man siya dahil na kay Tj na lahat. Wala ka nang hahanapin pa. Sa oras na manalo si Tj, di siya aamin kaya kahit selfish man pakinggan pero gugustuhin ko na lang na manalo na lang siya para di siya umamin sa Sab na yun. Baka mamaya nito, uuwi akong umiiyak nang dahil sa pag-amin niya sa Sab daw na yun.

Pagtingin ko 4-4 na yung score and to say hanggang 5 lang yung game kaya kinabahan ako. Tangeks naman eh! Bakit ko pa kailangan kabahan. Sa kalaban niya yung last serve kaya kailangan niya itong mabeat. Ay takte! Kinakabahan na naman ako. Dug.Dug.Dug. paulit-ulit na sigaw ng puso ko.

"Go TJ!" nagsigawan na sila kaya nakisabay na rin ako para siya yung manalo. Sana nga. Mukhang wrong timing yata ang lahat dahil nung isinigaw ko na yung pangalan niya tumahimik yung crowd kaya nagsitinginan lahat sila sa akin.

"Go Tj! Galingan mo!" sigaw ko pa kaya pati siya ay napatingin sa akin dahilan para ma-miss out niya yung bola. Arggghhh!Nakakahiya naman. Nakakainis rin kasi ako yung dahilan ng pagkatalo nya. At nakakalungkot isipin dahil makikita ko ngayon yung pag-amin nya sa Sab na yun. Makaalis na nga lang. Ayoko na! Napahiya na nga ako baka mamaya nito iiyak na talaga ako.

"Ayoko na. Alis na tayo!" pangungumbinsi ko sa mga kaibian ko para umalis na kami.

"Bakit ba Bliss? Ayaw mo bang makilala kung sino yung tinutukoy nilang Sab?" Waahh! Masasaktan lang ako kaya mabuti nang huwag na lang.

"For sure di ako yun! Tsaka masasaktan lang ako, ang layo kaya ng Bliss sa Sab. Hello?" tugon ko naman sa kanila.

"Sinabi ba naming ikaw yun? Shunga ka talaga best." sabi naman ni bakla kay binatukan ko.

Umalis na lang ako nang hindi sila kasabay dahil desidido na silang makilala si Sab na nagugustuhan ni TJ. Bahala sila! Akala ko ba friend ko sila? Walangya talaga.

"Wait! Teka lang--" may humawak sa kamay ko kaya nainis ako dahilan para lingunin ako. Malamang si bakla na naman ito.

"Sabing ayok--" nagulat ako kaya di ko na natuloy pa yung sasabihin ko. Mali ako ng akala. Hindi siya si bakla kungdi si TJ.

"Mahal kita." Dalawang salita pero naguguluhan ako. Tama ba yung narinig ko? O hallucination lang ito lahat?

"Mahal kita Serenity Avriel Bliss." pahayag niya. Mahal niya ako? Pero bakit Sab? Hindi ako si Sab.

"Nagkamali ka yata. Hindi Sab yung pangalan ko." I stated.

"Sab as in Serenity Avriel Bliss. Ayoko sa mga mahahabang pangalan pero mahal ko ang nagmamay-ari nun. Mahal talaga kita Serenity Avriel Bliss." 

---END---                               

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon