Sweetest lie
By
SecludedFantasyAuthor's note: Dedicated to sa kanya dahil kahit papaano naging magkaibigan kami at naging magkaribal kay Jang Geun Suk, pero sige na nga magpaparaya na ako at ibibigay ko na siya sayo girl.
"Pare naman eh! Ang kulit sabing ayoko muna sa ngayon!" naririnig kong usapan nila ng mga barkada niya. Pakialam niyo ba kung nakikinig ako sa usapan ng crush ko at barkada niya?! Wala naman diba?
"Bahala ka Joseph Morelli! Baka mamaya mag-sisi ka!" Diba ang ganda ng pangalan niya?
Joseph Morelli always spells T-R-O-U-B-L-E but still you can pronounce it HOT. Pero kasi di na ako pwedeng lumandi dahil may boyfriend na ako, plus idagdag niyo pang ang gwapo niya rin! Ang kaso nga lang, never pa kaming nagmeet in person. Sa facebook ko lang siya nakaka-chat pero minahal ko pa rin yun noh.
"Kris Angela Allida!" nakakabinging sigaw nila ni Joyce at Angelyn sakin. Argghhh! Mangungulit na naman 'to.
"What?!" walang gana kong sabi. Ano na naman kasi ang nasagap nilang tsimis?!
"Kilala mo si Hunter Gael Viola?!" eh siyempre kilala talaga namin yun.
"Boyfriend ko." alam naman nilang boyfriend ko yun eh! Bakit pa kasi nila tinatanong? Sila na nga lang sinabihan ko tungkol sa amin tapos magtatanong ulit?
"Geez... Girl poser siya." para akong binagsakan ng isang baldeng tubig sa narinig ko.
"Nagbibiro lang kayo diba?" paninigurado ko sa narinig ko. Impossible naman ata yun.
"Girl totoo yung sinasabi namin." hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Hindi ko alam kung ano yung ire-react ko kasi minahal ko rin naman siya. Lalo na ngayon, na super duper inlove na talaga ako.
"I have to go. Kailangan ko munang mapag-isa." cold na sabi ko sa kanila at tumango lang sila pabalik. Naglalakad ako sa hallway ng biglang may sumigaw sa pangalan ko.
"Angela!" I know it's him. I can recognize his voice, its Joseph pero di ko pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala akong time para kausapin siya. Maya-maya pa may humawak sa braso ko kaya napalingon ako.
"Angela teka lang." Napatingin ako sa nagsalita at mukha ni Joseph yung nakita ko.
"I'm sorry. It's not my intention para lokohin ka, nagawa ko lang yun dahil mahal kita. Nagpanggap ako sa katauhang hindi talaga ako. I'm afraid to tell the truth cause alam kong gulo lang yung lagi kong dala pero will you give another chance para patunayan yung sarili ko? Will you gave me another chance to be Joseph Morelli and not Hunter Viola to love you?"
"Ikaw si Hunter?" So... yung crush ko at boyfriend ko ay iisa?
"Yeah. Ako nga so ano na, bibigyan mo ba ako ng isa pang chance?" ewan ko ba kung matutuwa ako o hindi. Isa lang yung masasabi ko, it's the sweetest lie ever!
-Ended-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...