Friendzone, unrequitted love, one-sided....madalas diyan papunta yung hanggang bestfriend ka lang. Mahilig ako sa mga kwentong ganyan dahil alam ko sa sarili ko na ganyan rin ako. Oo masakit maging bestfriend yung taong talagang mahal mo. Ang hirap sa feeling na makikita mo siya sa piling ng iba na masaya.
Paano kaya kung di kayo naging mag bestfriend....may pag-asa ba? Mamahalin ka kaya rin niya? O kahit mapansin ka man lang ba?
"Xyza!" agad kong sinirado yung aklat na binabasa ko para lingunin yung tumatawag sa akin. Andiyan na naman siya kaya ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.
Akala ko pag na inlove ka, eh wala lang pero yun pala malaking impact pala yung dala nun lalo na pag kasama mo siya o kahit makita mo lang, ang laki ng epekto.
"Anu na naman ba yang binabasa mo?" tanong niya sa akin dahilan para itago ko pero nakuha niya rin kalaunan. Kahit kailan talaga ang kulit niya! Naiinis nga ako dahil sa lahat ng lalaking mamahalin ko, yung bestfriend pa ang napili ko. Sabi ng karamihan sa nakaranas ng umibig at magkaroon ng karelasyon,masakit daw talaga kapag nagmahal pero ako naputanayan ko rin yun. Kahit nga di kayo, masakit magmahal lalo na pag palihim. Di mo malalaman kung paano ka aakto or what.
"Friendzone? Bakit ba ang hilig mo sa mga ganyang istorya?" natatawang tanong niya habang palipat-lipat ng pahina. Friendzone kasi yung pamagat ng binabasa ko.
Tiningnan ko lang siya at nung nagtama na yung paningin namin, inirapan ko lang siya dahil sa inis...tawanan ba naman ako?
"Akin na nga yan!" sabi ko naman habang pinipilit kong bawiin sa kanya yung libro. Inangat niya naman kaya tumayo na rin ako at tumalon pero wala eh, mas mataas kasi siya kesa sa akin. Alam niyong bang ang sarap niyang kantahan? Bakit nga ba mahal kita kahit di pinapansin ang damdamin ko? Di mo man ako mahal,Heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo.Bakit nga ba mahal kita, kahit na may mahal ka pang iba? Ba't baliw na baliw ako sayo? Hanggang kailan ako mag-titiis..bakit nga ba mahal kita?
Pinilit kong bawiin kanya pero di niya binigay sa akin kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko.
"Oh eto na, isasauli na para ka na kasing iiyak eh!" inilahad niya sa harapan ko. Di ko siya pinansin pero kinuha ko naman yung libro. Parang di ko alam yung gagawin ko dahil yung puso ko eh tumutibok talaga ng pagkalakas-lakas kahit wala naman siyang ginagawa. Simpleng ngiti lang niya pero nadadala na ako, boses pa lang niya parang nawawala na ako sa katinuan ko, Anu ba yan!Pag-ibig nga naman,OO!
" I hate you!" bulyaw ko sa kanya pero nabigla na lang ako nung niyakap niya ako sa likuran ko.
"I love you too."pabalik niyang sagot sa may tenga ko. Ewan ko ba, pero kahit alam kong biro lang yun umasa pa rin ako na sana totoo na lang yun, na sana hindi na lang yun biro pero hindi talaga eh..kaibigan lang ako. Hanggang Bestfriend lang talaga ako.
"Pwede ba Gio? Bitawan mo na nga ako?!" yakap niya pa rin kasi ako. Ayoko ko nang umasa pa, baka mamaya aasa na naman ako sa wala diba? Masasaktan lang ako sa maling akala.
"Bakit? Bestfriend naman kita diba?" yun na nga eh! bestfriend mo lang ako! Isang hamak na bestfriend mo lang! Ang sarap isigaw yun sa kanya pero di pa ako baliw para ibuking yung sarili ko sa harapan niya mismo.
"Tama na nga, may gagawin pa kasi ako. May project pa akong gagawin." sabi ko sabay kawala sa mga bigkis ng yakap niya. Kinuha ko yung bag ko at yung libro ko saka dumiretso na patungong library. Kailangan kong layuan siya bago pa lumala tong nararamdaman ko. Rejection- yan yung bagay na kinatatakutan ko.
"Hoy! Tulungan na kita." hinabol niya pa ako pero nagbibingihan lang ako. Move on. Teka? Move on? Ni hindi nga naging kami tas move on? How great! Ngayon hinarangan na niya talaga ako, nasa may harapan na ko na siya. Magkaharap kami ngayon kaya di ko alam kong ano yung itsura ko lalo na nung nagtama yung mata namin. Spark.
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...