John Dale Delgado, iyan ang pangalan ng lalaking una kong minahal, ang lalaking una kong inayakan at ang kaisa-isang lalaking hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan. Akala ko yung mga broken hearted noon masyado lang nagda-drama sa kada iiyak sila pero hindi pala, sadyang masakit lang talaga.
He had everything that I loved. Wala ka nang hihilingin pa pero mukhang tutol ata ang panahon sa amin at hindi suportado sa amin ang pagkakataon. Right love at the wrong time ata kung tawagin yung istorya namin eh.
"Hoy! Lou Daneille!" bumalik ako sa realidad. Nandito pala kami sa school ground, wala nang ginawa kundi pagmasdan ang iba sa kanilang ginagawa. Ang iba ba? O si John Dale lang yung tinititigan mo? Sigaw naman ng maharot kong konsensiya. Oo na. Siya na nga lang!
"Ha?" Hindi ko alam kung paano ko sasagutin yung tinanong ni besty dahil at the first place, wala ako sa sistema ko nung tinanong niya ako. Siguro lumipad yung utak ko panandalian.
"Iniisip mo na naman siya? Naka-move on ka na ba talaga girl?" Tanong na alam ko ang sagot. Lolokohin ko na naman yung sarili ko pag sinabi kong oo. Hindi ako manhid para i-deny yung totoo kong nararamdaman na hanggang ngayon ay talagang mahal ko pa rin siya. Siya at siya lang talaga.
"Hindi pa. Ayoko pa. Mahal ko pa rin siya." Parang bata na sagot ko. So what? Wala namang makakarinig ah?
"So why won't you give me a third chance?" Nanlaki ang mata ko sa narinig ko at napaawang yung labi ko. Boses niya yun. Hindi ako nagkakamali. For three years? Sinong makalimot agad diba? Lalo na kung minahal mo talaga.
He was just standing aloof to me. Hindi ko mapigilang titigan siya, heto na naman kami. Magkakabalikan tapos maghihiwalay na naman dahil maraming hadlang.
"Promises are meant to be broken but remember this... things will just be broken if someone doesn't know how to hold on, if someone just let it falls. How could I fight if the one I am fighting for doesn't know how to hold on?" mahabang tanong niya sakin.
I let go a tear. I burst out to cry. Tumayo na ako saka siya tinitigan. Hold on? Wow big word!
"Always remember this... I didn't walk away Dale, YOU just let me go. Magkaiba ang iniwan sa pinakawalan Dale. And for you to know, hindi kita iniwan, kusa mo lang akong pinakawalan."
-Ended-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...