When does love deserve a second chance

1 0 0
                                    

When does love deserve a second chance?

Heto na naman ang marahan na pagpatak ng ulan, kasabay ng abnormal na pagtibok ng puso ko. Pinilit kong huwag na sana pang masilayan niya ang pagguhit ng kurba sa aking

labi. Bawat tukso nila sa amin ay siyang unti-unting paglapit ko naman sa bangin na di ko naman mawari kung gaano kalalim. Nagkatitigan saglit subalit agad rin akong nag-iwas ng

tingin dahil sa tansya koy para na rin akong yelo na maaring matunaw sa mga titig niya lang. Ngayo'y basang-basa kami sa ulan, tila mga batang uhaw na uhaw sa pagtatampisaw.

Nag-eenjoy sa bawat kaluskos na sanhi ng simoy ng hangin.

"Cathleya!" Parang musiko iyon sa tenga ko. Kahit pangalan ko lang yung binanggit niya ay para na rin akong nakarinig ng masasayang lira. Halos gusto kong tumalon at sabihin sa

iba ko pang barkada na ..."Narinig niyo yun? Tinawag niya ako sa pangalan ko!" subalit dahil magaling akong umarte at ilang taon na rin akong best actress sa totoo kong

nararamdaman para sa kanya, nilingon ko siya na tila naiinis dahil tinawag niya ako.

"Ano na naman ba?!" Hindi ko maiwasang mapatitig sa mapuputing marmol na ngipin niya na kasalukuyan naman niya ibinabandera. Nakukunot noo ako habang yung mga mata ko

ay nagtatanong kung bakit niya ako tinawag. Tinatago ko lang ang excitement na nararamdaman ko sa pwede niyang sabihin.

"Hindi ba crush mo yun? Ayun oh! Pare! ---" Agad akong kumuha ng bato para ihagis sa direksyon niya. Nais ko lang siyang patahimikin dahil sa mga pinagsasabi niyang wala

namang katotohanan. Bakit ba ang hilig niyang mag-imbento? Yan ang ikapuputok ng butchi ko sa kanya, palagi na lamang niya akong tinutulak sa kahit kanino.

"Oh! Bakit ka nambabato?!" natatawang saad niya sa akin makatapos makaiwas sa batong gustong sumalubong sa mukha niya. May bahid pa rin ng pang-iinis ang tono niya. Halata

naman kasing alam niya ang sagot sa tanong na iyon. Pinukol ko ang mga matang nag-aalab na sa iritasyon.

"Tumigil ka nga diyan August! Wala ka na bang maisip na gawin kundi ang bwesitin ang buhay ko? Ilang ulit ko nang sinabing, magbiro ka na sa iba huwag lang sa akin. Huwag

kang puro imbento!" Tila galit ko pang ani. Tanging pagtawa lang niya ang narinig ko.

"Sino ba kasing gusto mo? Tomboy ka ba talaga?" panunuya pa niya habang busy ako sa pagsulat ng mga pangalan namin sa lupa gamit ang isang kahoy. Pinasadahan ko na naman

siya ng isang nakakamatay na titig. "Bakla ka rin naman diba?" tugon ko pabalik saka nagsulat muli. Pangalan ko na niya ngayon yung sinusulat ko nung kusa siyang lumapit para

pakialalaman ang gawa ko.

"Teka-- gusto mo talaga ako?" Kanina pa'tong isang to nanggugulo ha!

"Ang yabang mo pare! Sino ba kasing nagsabi niyan sayo---" naputol ako sa biglang pagsabat niya. Tinuturo ang pangalan niya na sinulat ko. "Ayan, sinulat mo ang pangalan ko."

Walang pagdadalawang isip ay binura ko iyon gamit ang aking paa. "Wag kang assuming diyan, lahat sinulat ko ang pangalan."

"Hoy! Kanina pa kayo diyan nagbabangayan na hindi niyo na napapansin na nandito pa kami. Kayong dalawa talaga may sariling mundo. Kunyari ayaw ang isa't isa tapos yung

totoo gusto naman pala. August kasi! Ligawan mo na." mahabang litanya ng mga kaibigan namin saka sunod-sunod na ang tukso. Matagal na ang panahon nung mga kabataan pa

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon