I love you Goodbye

5 0 0
                                    


Prologue:

Masaya pag may minamahal ngunit mahirap pag ang taong minamahal mo ay may  
mahal ng iba at masakit isipin na mismong kaibigan mo pa.  Di mo alam kung saan ka lulugar, kaibigan ka lang naman nya di ba? At hanggang doon lang talaga.

------------ 1------------ 

Bata pa lang kami...... magkaibigan na kami ni Oliver mapasaya o mapalungkot man. Simula elementary, 

high school at maging hanggang ngayong 

College na kami kaklase ko pa rin sya.

Sa mahigit ilang taong yon, di ko maitatangging napamahal na ako sa kanya, 

hindi lang bilang bestfriend kundi higit pa.

'Bestfriend! Tandaan mo pag nagmahal ka, huwag ako ha.' Sabi pa niya.  

Nandito pala kami ngayon sa madalas tambayan namin,breaktime pa kasi pero naman oh,,,  

bakit exempted sya? bawal ba? Bahala sya....  

Di ko rin naman sasabihin sa kanya na sya ang mahal ko!

'Joke lang yon bestfriend! Alam ko namang hindi magiging ako ang mamahalin mo' kung alam mo lang Oliver......  

mahal kita. Kung kaya ko lang ipagsigawan na mahal kita, edi sana matagal ko nang ginawa!!! Noon pa.....

'Hoy! Bestfriend sino bang pinopormahan ngayon ha?!'  

maiba na nga ng usapan! Kainis naman sya eh!

'Kung pwede nga lang bestfriend, edi sana matagal ko na yong ginawa pero natatakot kasi ako.'  

So ibigsabihin may matagal na nga syang gustog ligawan......  

panigurado,masuwerte yon kung sino man sya,,,si bestfriend pa!

'Natotorpe ka ba bestfriend? O natatakot ka na baka saktan ka lang niya.'

'Hindi best friend.'

'Eh? Bakit ayaw mong ligawan?'

'Natatakot ako na na baka masaktan kosya,natatakot ako na baka mamaya iwan ko sya.' 

Bilang taong nagmamahal sa kanya ng higit pa ang sakit pakinggan  

na may ibang mahal siya pero kailangan tanggapin kahit gaano man kasakit.

--------2---------

Minuto, Segundo, oras, linggo, at buwan na rin ang lumipas.  

Malapit na kaming grumaduate,ilang araw na lang pero  

napapadalas sa pag-absent ang bestfriend ko.

Kanina,tinawagan ko siya kung asan sya,sabi nya may pinuntahan daw  

sila ng pamilya nya kaya eto ako ngayon ........nag-iisa.

Bukod sa kanya may bestfried ako,,, si Jyka.  

Dahil walang klase ngayon naisipan kong puntahan sya,  

matagal na kasi akong di nakapunta sa kanya,minsan lang kapag wala si Oliver.  

Pagkapunta ko palang sa bahay nila nakita ko agad ang mama nya.

'Tita si Jyka po? Asan sya?'

'Ay naku iha,mukhang may pupuntahan ata yon.'

'Ganon po ba? Sige po, sabihin nyo na lang na pumunta ako rito' 

Dahil nakabihis na rin ako....dumaan ako saglit sa park. Masaya.... 

Maraming tao pero napaagaw pansin ako sa dalawang nag-uusap mula sa malayo.  

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon