Kung sana noon pa

4 0 0
                                    

Prologue:

Lahat naman siguro tayo nakaranas nang magmahal, yun bang makaramdam ng kilig kapag nanjan sya. 

Yun bang lahat ng kilos niya eh talagang kabisado mo na dahil nandon lagi yung atensyon mo.

Sa bawat oras na kasama mo sya, wala ka nang maiisip at hihilingin pa at maski problema mo nawawala.

Pero huli na minsan kung iisipin natin na kapag nagmahal ka, binibigyan mo lang ng pagkakataon yung iba para saktan ka.

Minsan kasi masakit lalo na pag yung taong mahal mo ay di ka kayang mahalin pabalik sa paraang inakala mo.

Sa mga magmamahal pa lang take the risk, kailangan mong itaya at isa-alang alang ang puso sa sakit na pwedeng dalhin neto.

Kapag nagmahal tayo kailangan lang nating buksan ang ating mga mata sa maaring mangyari at sa posibilidad na posibleng hatid sa atin ng mapaglarong tadhana at mapagbirong pagkakataon.

Sa pagmamahal walang kasiguraduhan kaya gawin mo ang alam mong dapat at gusto mo bago pa mahuli ang lahat at mapagtantong

"kung sana noon pa" lang ginawa mo na.

Haaay. Ang hirap pala talaga kapag mapagtanto mong huli na talaga ang lahat. Bakit ba kasi don lang natin malalaman kung gaano kahalaga ang bagay kung hawak na ito ng iba? Yun bang akala mo eh mas okay pag wala sya pero sa huli eh hahanapin mo rin pala pero yun nga yung katangahan natin sa buhay dahil pag-mamay-ari na sya ng iba kung hindi man eh ayaw na rin niya maging iyo. yun kasi ang nararamdaman ko base sa nakikita ko ngayon eh.

Si Axel Calzado na mahal ko at si Sophie Alvarez na bestfriend ko ay masayang sa piling ng isa't isa. Aissh! ang sakit sa mata!

Yeah bitter na kung bitter pero nagseselos lang talaga ako, halo-halo yung feeling na nararamdaman ko. Una na yung sakit, selos, galit, at paghihinayang.

Bakit ko ba kasi siya pinakawalan noon? Noong mga panahong ako pa yung nasa puso niya, noong mga panahong ako pa yung mahal niya. Pero natatakot kasi ako noon na magmahal, hindi ko kayang ibigay ang puso ko dahil alam kong pwede akong masaktan pero nagkamali ako dahil kaakibat na sa buhay natin ang masaktan. kumbaga complete package na yun!

I never take everything at risk but still I'm here feeling the pain.

'Duh yan kasi! Sinabihan ka nang baka ikaw rin yung magsisi! Eh anong napala mo ngayon? Iiyak-iyak ka?' P*ste naman tong bestfriend ko oh! Akala ko ba, iko-comfort niya ako?! isa pa itong pasakit!

'Ang OA mo naman! di ako umiiyak!' totoong nasasaktan ako pero ayokong umiyak dahil lang sa bagay na yun!

Hindi ko sila iiyakan!

'Ang saya nila best noh? Ang saya ng bestfriend natin anoh?'

'Tse! May balak ka pang asarin ako lalo eh! OO na sila na ang masaya!'

Actually kasi bestfriend rin namin yang si Sophie pero ngayon di na masyado kasi ang awkward nah di rin naman niya napansin na minsan na lang kami magkasama dahil na kay Axel na yung atensyon niya mostly. Nakakailang kaya, Boyfriend niya eh yung taong mahal ko pero di rin naman niya alam, kami lang ni Kaye yung nakakaalam neto kasi sa kanya ko lang na i-share. At mukhang di rin naman sinabi ni Axel sa kanya na niligawan niya ako noon, akala niya siguro eh nakikipagkaibigan lang si Axel sa amin mainly sa akin.

Niligawan ako ni Axel noon pero di ako pumayag kahit anong pilit niya at isang araw nagising na lang ako na wala na syang nararamdaman sakin ni katiting man lang at magpapatulong na lang syang manligaw kay Sophie na ginawa ko naman sa pag-aakalang we're just friends at nung sinagot na nga sya ni Sophie doon ko lang rin narealize na I'm falling for him.

'Ang saklap ng buhay mo best, anoh?'

'Tse! Marami pang iba jan noh! paano magiging masaklap?' Makakamove on rin ako! Pangako yan!

'Marami nga pero yung pagmamahal na nahanap mo kay Axel meron ba non sa iba?'

Natahimik ako sa sinabi niya, wala dahil kung makakahanap man ako ng katulad non hindi yun para sakin, siguro ibang klaseng pagmamahal ang mararanasan ko sa susunod na magmahal ako ulit.

At.....Balang araw may magsasabi rin sa akin kung bakit ako nilaan para sa kanya at hindi para sa iba.

'HOY! ADJIE!!! ANUNG BANG INIISIP MO?!' saka lang ako bumalik sa katinuan nung sigawan ako ng mga kaibigan ko. Nandito pala kami ngayon sa isang food chain, reunion ng friendship namin dahil matagal na panahon na ring hindi kami nagkikita.

Matagal na mula noong nangyari yun,bakit ko pa kasi binabalikan yung puppy love memories ko? sa pagkakatanda ko kasi highschool pa lang akon nun! At ngayon may sarili na kaming buhay. Ang bilis ng panahon...16 pa lang kaya ako nun tas ngayon 22 na ako.

'Oh guys, kamusta na? Ikaw Adjie kamusta na?'

'Asus! May Daryl Austin na yan sa buhay...hahaha may lovelife na yan!' Actually nakamove on na nga ako sa tagal ng panahon, nakahanap na rin ako ng makakasama sa buhay at yun ay si Daryl Austin.

'Kayo naman Sophie, kamusta kayo ni Axel?'

'Eto engaged na kami' Akalain niyo bang sila pa rin hanggang ngayon? Natutuwa ako sa kanila, siguro sila talaga yung nilaan at hindi kami....matagal ko na rin yung tanggap simula nong makilala ko si Daryl.

Maya-maya pa may sari-sarili na silang grupo at naiwan ako dito sa table kasi iba-iba yung topic eh.

'Adjie it's been a long time.' napalingon ako kaya nagkatinginan kami. Noon naiilang ako pag ganito pero ngayon wala naman lang kunting bakas ng ilangan dahil siguro nilimot na nung panahon yung nararamdaman namin.

Friendship na lang ang pwedeng ibigay ng pagkakataon.

'Axel! Kamusta na?' umupo naman siya sa kabilang upuan.

'Okay lang..ikaw? balita ko,masaya ka na raw.'

'Oo naman noh! hehehe. Bakit ka nga pala andito? Nandon si Sophie oh.' turo ko pa sa kabilang table.

'Ikaw talaga yung sadya ko'

'Ha? Bakit?'

'Gusto kong lang mag-thank you.'

'Thank you? Para san?'

'Thank you dahil sayo nakilala ko si Sophie, pasalamat na rin ako dahil minahal kita. Kung di mo siguro ako pinagtulakan palayo di ko makikilala si Sophie.'

'Kakaiba kasi maglaro yung tadhana, akala mo sya na pero yun pala di pa. By the way, Congrats! engaged na palakayo?'

'Yap, so anu punta ka sa wedding namin? Next year pa naman yun eh, sama mo na rin yung sinasabi nilang si Daryl ba yun?'

'Sige ba, pupunta talaga ako! Best friend ko rin kaya si Sophie!'

'So lets be friends too?'

'Of course pwede!'

Sa mga naranasan ko, marami akong natutuhan sa buhay nandoon na yung,

"Masakit marealize ang isang bagay kapag huli na. Inaalala mo nalang yung mga panahong magkasama kayo, panahong pinaparamdam niyang mahalaga ka sa kanya at mahal na mahal ka nya, Lahat ng tao marunong magmahal pero dapat nating tandaan na ang puso'y nasasaktan at napapagod din,

Lahat may hangganan lahat nagbabago maaring ngayon mahal ka nya pero pwedeng bukas iba na ang mahal niya Dun pa sa araw na dimu na kayang mawala siya. Marahil ang dahilan ng katapusan ay hindi ang katotohanan na may panibagong aasahan kundi ang realidad na lahat ng bagay matibay man o hindi.. ay may hangganan."

___Ended___

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon