Ikaw Sana

4 0 0
                                    

Ikaw sana
by
SecludedFantasy

Prologue:

Naranasan mo na bang magmahal ng sobra? 

Nagsakripisyo dahil talagang sa iba siya masaya?

Nagparaya dahil alam mong wala ka ng pag-asa? 

Nagpakatanga dahil talagang sinisigaw ng puso mo ay 'Tanging siya'? 

At higit sa lahat nasaktan dahil pinagmukha niyang hanggang doon ka lang talaga...

Isang hamak na kakilala lang niya.

Chapter 1

It's been 10 years since I leave this place where in I'd graduated high school. Years are just fast as our glimpse but those memories you have those days which had already passed will never fades away. I thought it will remain forever. Standing in the hallway while my high school memories were starting to flashback particularly with those memories I had with HIM. 

I haven't heard any news about him. It's been a long time having no communication with HIM. Pero meron nga ba kaming komunikasyon noon pa? Wala naman ata. Sa pagkakaalam ko kasi hanggang kakilala lang niya ako. Hanggang tinginan lang kami. Hanggang tingin lang ako. I roamed around while my memories were flashing back. 

-Flashback-

Matagal ko na siyang mahal. Matagal ko nang mahal si Uan. First year pa lang ako nung nagkagusto ako sa kanya samantalang siya naman ay third year na. Nalulungkot nga ako kasi malapit na siyang gumraduate pero hindi bale, hangga't nandito pa siya may pagkakataon pa akong mapansin niya. 

"Miki! Sali kaya tayo sa Filipino Club?" pamimilit sa akin ng bestfriend ko.

"Ay, ayoko. Ikaw na lang kung gusto mo. Wala sa linya ko iyan Jackie." pag-ayaw ko naman sa sinabi niya. Totoo naman kasi. Ayoko ng FILIPINO kaya period ayokong sumali. 

"Ayaw mo talaga? Nandoon si Uan mo. Sasali siya." napaangat ako ng tingin sa narinig ko. Sumilay sa mga labi ni Jackie ang matamis niyang ngiti. Alam talaga ng bestfriend ko kung paano ako pipilitin eh. 

"Unfair ka talaga! Kapag si Uan na yung nasa usapan ang saya mo." nakanguso niyang sabi sa akin kasabay ang masakit niyang batok sa akin.

"Aray! Anu ba Jackie? Sasali na nga diba." 

"Sasali ka nga nang dahil sa Uan mo! Hindi dahil sa akin!" pagdadabog pa niya. Naku! Bakit nagda-drama na naman itong babaeng ito?! 

"Bahala ka. Nagda-drama ka na naman diyan." saad ko saka umalis na at iniwan siya pero maya-maya pa ay tumakbo siya sa akin. Eh sasama rin naman pala siya eh!

"Sasama ka rin pala." ngumiti ako at ngumiti rin siya pabalik sa akin. Sanay na siya sa akin at sanay na rin ako sa kanya kaya masanay na rin kayo. Pumila na kami tapos naglista na ako ng pangalan namin. Nagalit ako dahil may akmang kukuha nung ball pen ko kahit alam niya pang nagsusulat ako.

"Anu ba?! Nagsusulat pa y-" napatigil ako sa pagsasalita nung pag-angat ko ay si Uan pala. Naku! Nasigawan ko pa naman siya.

"Uy! Miki, ikaw pala. Sorry." paghingi niya ng sorry sa akin. Sorry nga lang sinabi niya pero kinilig na ako. Teka? Dapat bang kiligan yung salitang sorry? Aishh! Tanga ko talaga.

-End of Flashback-

Habang binabalik-balikan ko ang gunitang yun, natatawa ako. Ngayon ko lang naisip kung gaano ako katanga noon para simpleng sorry niya lang eh espesyal na sa akin. Pero wala naman talagang hindi tanga kung pag-ibig nga ang pag-uusapan. Ika nga nila "Intelligent persons strive hard in finding the right man."

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon