Game over
By
SecludedFantasyAuthor's note: Dedicated to sa close friend ko. Wahaha Crishia wag ka mag-expect ha? Sobrang ikli lang talaga nito.
Argghh! Late na naman ako. Ikaw kasi Crishia ang bagal mong kumilos! Sigaw naman ng pakialamera kong konsensiya. Hindi kaya ako mabagal kumilos, sadyang mabilis lang tumakbo ng oras noh. Ayan na naman yung isip ko nagtatalo na naman, baka mamaya nito mapagkamalan niyo akong baliw.
Okay na sana eh, tanggap ko nang late na ako pero ang makasalubong ang ex ko sa may hallway? Panu ba'to? Great! Sa kabila na lang ako dadaan kahit mas malapit lang yung room ko mula dito.
Titiisin ko na lang maglakad kahit masakit sa paa. Tiniis ko nga ang sakit nung naghiwalay kami diba? Ito pa kayang chicken lang? Alam kong kukulitin niya lang ako kapag nagkita kami kaya mabuting umiwas na lang kesa harapin siya. Inaamin ko namang mahal ko pa rin siya at hindi pa ako handang pakawalan siya ng tuluyan dahil naging isa rin siyang magandang parte sa buhay ko.
Masakit nga lang isipin dahil hindi nag-work out yung relasyon namin. Second chance? Ayoko na, tapos na ako sa ganyang bagay.
"Crishia!" Napalingon ako sa may likuran ko nung narinig ko yung pangalan ko. Nakita ko na naman si klint na hawak yung panyo ko. Aishh!
"Nahulog mo kanina, mukhang nagmamadali ka ah?" Seriously? Alam niya yung rason kung bakit! Huwag nga siyang tanga! Nagdalawang isip ako kung ano yung sasabihin ko o kukunin ko ba agad yung panyo ko. Dito nagsimula ang lahat eh. Ganitong klaseng pangyayari kung paano ko siya nakilala, cliche man pakinggan pero dun kami unang nagkausap, unang nag-ngitian hanggang sa napunta sa pagkakaibigan, umusbong sa pag-iibigan at ayun nauwi rin sa hiwalayan.
Ang ganda ng love story namin noh? Sobra.
"Salamat." Pagpapasalamat ko saka kinuha yung panyo ko. Tuluyan ko na siyang tinalikuran pero narinig ko pa siyang sinigaw yung pangalan ko.
Akala ko nga okay na ang lahat pero sadyang habulin ata ako ng malas. Good for me, natapilok ako sa suot ko, pumikit na lang ako at hinintay na ma out of balance ako. Akala ko babagsak ako sa sahig pero may sumalo sa akin. Pagdilat ko, mukha ni Klint yung sumalubong sa akin.
"You should always be thankful Crish, mabait pa rin yung tadhana sayo... sa akin ka pa rin bumagsak." He plainly said. I just looked at him for a minute and stood after that scenario. And all I said was...
"I'd fallen once and you'd catch me then. And now i'd fallen twice, sinalo mo na naman ako. Mas maigi na yong walang sasalo dahil alam kong sa huli bibitawan mo rin lang naman ako, ganun pa rin yun, babagsak pa rin ako. Don't catch me if you just intent to leave me at the end cause it will just cause too much pain." I left him hanging by a moment.
Author's note: Haha Ginawa ko kayong bitter dito sa story niyo. Bitter kasi ako nung mga panahong sinulat ko'to kaya ayun nadamay kayong dalawa ni Klint, pinaghiwalay ko pa kayo dito. Sorry kung na-disappoint ka. Peace na?
-Ended-
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...