Sana can goods na lang yung love para alam mo kung kailan lang ito tatagal. Sana appliances na lang yung love para alam mong kahit ano man ang mangyari may warranty. Sana para lang itong utang nang sa gayon ay malalaman mo kung kailan yung hangganan. At sana application lang ito na kung saan makikita mo yung news feed, makakatanggap ka ng notifications at pwedeng eh update kung kailangan.
Pero hindi eh. Isa itong bagay na walang pasabi, parang sakit na tatamaan ka na lang sa panahong di mo inaasahan. Parang sakit na unti-unting bibiyak ng buhay mo at maging buhay ng ibang tao.
"Argghh! Angela naman eh! Drawing na naman? Itigil mo muna yan, kausapin mo muna si crush mo. Ayun oh." Turo pa niya kay Elijah Aldren sa labas ng room.
Aishh! Mangungulit na naman to for sure. Hindi ba niya ako tatantanan? Eh tumigil na nga ako sa paghahabol sa kanya diba? Ano pang gusto niya? Iwanan siya? Ginawa ko na. Iwasan siya? Tapos na. Kalimutan siya? Kinaya ko na. Lubayan siya? Mission accomplish na.
Kinuha ko na yung mga sketch at libro ko sa table. Sinuot ko na yung bag ko saka dumaan sa may entrance door. Pakialam ko ba? Nandon siya sa may exit eh. Maya-maya pa magkasabay na kami. Great! What a coincidence right?
And wow! Nilipad pa yung mga sketch ko. Ganda ng eksena noh? Nagsimula na akong magpulot at maging siya ay sinimulan niya rin.
"Thanks." I said plainly when he reached out those papers to me.
"You have still those sketch of me." I just roll my eyes. I do have but I'm not already fan of him. Wala na sa akin yung kahulugan, plainly sketch, just a sketch.
"Sayo na yang mga sketch mo kung gusto mo, tutal naman wala na rin sa akin yung mga yun." Nagsimula na akong maglakad nung sumulpot na naman siya sa harapan ko. Paano kaya kung sana noon pa niya ito ginawa? Edi sana kinilig na ako ngayon.
"Look, I'm sorry Marie Angela for avoiding you before, for pushing you away. But right now, I want to court you."
"Napapagod rin yung puso Elijah. Lahat ng bagay may hangganan, lahat ng nararamdaman nawawala, at lahat ng binibigay na pagkakataon ay lumilisan rin. Maaring minahal nga kita per noon pa yun. Noong mga panahong di mo pa ako kailangan." I sighed.
"Forever was just for a while. Everything has it's limitation, it's bounderies and expiration. I was too tired waiting for you, I was too hurt already loving you still. Better to stop as what you've said and start new when it's gone." And with that... I walked away. Long away from the hallway, long away from him.
—Ended—
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...