Waiting for a Sign

2 0 0
                                    

Prologue:

Ni minsan ba naranasan niyong humingi ng signs? Yung tipong lahat na lang ng bagay nakadikta sa mga signs na hinihingi mo? Malamang karamihan sa atin humingi na lang ng mga signs sa kadahilanang hanggang tingin na lang tayo sa isang bagay. Isang bagay na maari kang masaktan at magdadala sayo sa maling akala. Ika nga nila, maraming namamatay sa maling akala. 

Wrong expectations? Siguro naman, lahat nakaranas na sa sakit na maaring dalhin ng salitang yan. Dalawang Salitang kinaiinisan ng karamihang nasasaktan. Pero handa ba kayong maghintay sa the one? Di ba kayo atat sa pagdating ni Right man? O mas naniniwala kayo na ang pag-ibig ay kinakailangan hanapin dahil wala kang mararating kung wala kang gagawin? 

Jarkri's POV

From: Sakuragi
-Happy birthday sis...

From: Jang Geun Suk
-Hai! Jars! It's you're birthday right? By the way Happy birthday!

From: Enrique Gil
-Blessed morning sweetie. Happy birthday!  

(Author's note: Grabe talaga imagination ko. Sa mga fans nito pagpasensiyahan niyo na tsaka ibalato niyo na rin ito sa akin. Ngayong araw lang naman eh.)  

Yan yung mga kadalasan na narereceived ko sa mga calls at text messages. Siyempre marami rin namang nagmamahal sa akin at yun yung mga taong tunay na nagmamahal talaga sa akin ng lubusan, simula't sapul pa man. Di ako makapaniwalang kaarawan ko na dahil parang kailan lang yung mga panahong hinihiling ko lang na sana dumating ang araw na'to. It's another year to celebrate.

At ngayong araw na'to, hihilingin ko yung natatangi at huling sign ko mula kay Lord. Kung babatiin man ako ni crush sa text that means na may pag-asa pa ako para mapansin niya. Kung babatiin niya ako in personal, ibig sabihin nun may gusto rin siya sa akin. At kung may inihanda man siyang regalo para sa akin edi siyempre iisa lang ang ibig-sabihin neto, hindi niya lang ako gusto kundi mahal niya rin ako. Yan yung mga sign na hiningi ko kay Lord. Maghihintay ako hanggang 5:30 mamayang hapon. Pero kung hindi man mangyari ang mga ito, it just means that it's over, na wala na akong pag-asa kaya tama na.

Sa tuwing birthday ko, nakagawian ko na ang pumunta ng maaga sa school pero dumaan muna ako sandali kanina sa simbahan para magsindi ng 15 candles, siyempre dahil I'm 15 right now. Nag-dasal na rin ako. Maya-maya pa ay narating ko na rin yung room ko, wala pang katao-tao kaya naisipan ko na lang na lumabas sa may hallway para magpahangin.

Sobrang tahimik pa ng school, walang ingay, at walang kaguluhan. Habang nandoon ako, unti-unti ring bumalik sa akin yung mga ala-alang sinayang ko dahil sa paghingi ko ng mga signs. Madami na pala yung hiningi kong sign pero masakit tanggapin na kahit ni isa man doon ay walang nangyari.

Flashback

First sign: Siya yung unang babanggit sa pangalan ko ngayong araw na'to.

Haayy. Sana naman siya yung unang babati sa akin, sana'y marinig ko yung mga pangalan ko na babanggitin niya. Laos mang pakinggan pero lyrika ang pangalan ko sa tuwing siya yung babanggit. Kahit na masyado nang malabo para magustuhan niya ako pero umaasa  pa rin akong babanggitin niya kahit minsan man lang pero nabigo ako dahil hindi siya yung unang bumaggit sa pangalan ko...

Second Sign: Sabay kaming maglu-lunch

Lunch na pero nandito pa rin ako sa upuan ko, umaasa akong may darating para yayain akong mag-lunch. Honestly, niyaya na akong mag-lunch ng friends ko pero tumanggi ako dahil SIYA yung hinihintay ko. Sabihin niyo ng tanga ako pero manhid na nga siguro ako dahil wala akong pakialam. Nag-lalaro ako sa cellphone ko nung may naramdaman akong lumapit sa katabing upuan ko. Alam kong SIYA yun, kilala ko siya eh...kilalang-kilala ko SIYA noon pa man.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon