Bakit di na lang

155 6 0
                                    

Friendzone. Unrequitted love. One-sided.

Madalas diyan papunta yung hanggang bestfriend ka lang. Mahilig ako sa mga kwentong ganyan dahil alam ko sa sarili ko na ganyan rin ako. Oo, masakit maging bestfriend yung taong talagang mahal mo. Ang hirap sa feeling na makikita mo siya sa piling ng iba na masaya.

Paano kaya kung di kayo naging mag bestfriend? May pag-asa ba? Mamahalin ka kaya rin niya? O kahit mapansin ka man lang ba?

Iyan palagi ang what ifs sa isipan ko. Halos araw-araw ko na nga sigurong tinitimbang-timbang itong mga nasa isip ko.

"Xyza!" agad kong sinirado yung aklat na binabasa ko para lingunin yung tumatawag sa akin. Andiyan na naman siya kaya ang lakas na naman ng tibok ng puso ko.

Akala ko pag na inlove ka ay wala lang pero yun pala malaking impact pala yung dala nun lalo na pag kasama mo siya o kahit makita mo lang, ang laki ng epekto.

"Anu na naman ba yang binabasa mo?" tanong niya sa akin dahilan para itago ko pero nakuha niya rin kalaunan. Kahit kailan talaga ang kulit ng lalaking 'to.

Naiinis nga ako dahil sa lahat ng lalaking mamahalin ko, yung bestfriend pa ang napili ko. Sabi ng karamihan sa nakaranas ng umibig at magkaroon ng karelasyon,masakit daw talaga kapag nagmahal at naputanayan ko rin yun.

Kahit nga di kayo, masakit magmahal lalo na pag palihim. Di mo malalaman kung paano ka aakto or what.

"Friendzone? Bakit ba ang hilig mo sa mga ganyang istorya?" natatawang tanong niya habang palipat-lipat ng pahina. Friendzone kasi yung pamagat ng binabasa ko.

Tiningnan ko lang siya at nung nagtama na yung paningin namin, inirapan ko lang siya dahil sa inis. Tawanan ba naman ako?

"Akin na nga yan!" sabi ko naman habang pinipilit kong bawiin sa kanya yung libro. Inangat niya naman kaya tumayo na rin ako at tumalon pero wala eh, mas mataas kasi siya kesa sa akin.

Alam niyong bang ang sarap niyang kantahan?

Bakit nga ba mahal kita kahit di pinapansin ang damdamin ko? Di mo man ako mahal,
Heto pa rin ako nagmamahal ng tapat sayo.
Bakit nga ba mahal kita, kahit na may mahal ka pang iba?
Ba't baliw na baliw ako sayo? Hanggang kailan ako mag-titiis
Bakit nga ba mahal kita?

Pinilit kong bawiin sa kanya pero di niya binigay sa akin kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan ko.

"Oh heto na, isasauli na para ka na kasing iiyak." inilahad niya sa harapan ko. Di ko siya pinansin pero kinuha ko naman yung libro. Parang di ko alam yung gagawin ko dahil yung puso ko ay tumutibok talaga ng pagkalakas-lakas kahit wala naman siyang ginagawa. Simpleng ngiti lang niya pero nadadala na ako. Boses pa lang niya parang nawawala na ako sa katinuan ko. Anu ba yan! Pag-ibig nga naman.

"I hate you!" bulyaw ko sa kanya pero nabigla na lang ako nung niyakap niya ako sa likuran.

"I love you too." pabalik niyang sagot sa may tenga ko. Ewan ko ba, pero kahit alam kong biro lang yun umasa pa rin ako na sana totoo na lang yun, na sana hindi na lang yun biro pero hindi talaga eh. Kaibigan lang ako. Hanggang Bestfriend lang talaga ako.

"Pwede ba Gio? Bitawan mo na nga ako?!" yakap niya pa rin kasi ako. Ayoko ko nang umasa pa, baka mamaya aasa na naman ako sa wala diba? Masasaktan lang ako sa maling akala.

Once Upon A TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon