Introduction:
Naranasan niyo na bang hiramin ni crush yung notebook niyo?
Matitiis niyo bang di sya papahiramin?
Di ba kayo tatablan ng Charms niya?
Yung bang sa isang tingin niya lang eh ipapahiram mo na agad.
Yun bang sa isang ngiti niya lang eh talagang di mo na sya matitiis.
Pero paano kung sa notebook na yun nandoon yung mga kabaliwan mo sa buhay?
At yung worst pa makikita niya yun......
Notebook
By
SecludedFantasyNotebook Entry no. 1
Celine's POV
Haay sa wakas uwian na! Eto lang kasi yung hinihintay ko lage tuwing school days.
Bakit pa kasi kailangan mag-aral?!
Nililigpit ko na lang yung mga notebook at libro ko ngayon...kahit ayaw kong mag-aral
nag-ti-take note naman ako at nakikinig kahit papaano noh? Tsaka matalino rin kaya ako!
'Ahhmmm Celine pahiram ako sa notebook mo sa English tsaka libro na rin.' sabi ni Shonn...crush
ko yan pero di niya alam
'At bakit naman kita papahiramin? Asan yung sayo?' syempre kailangan kong ipakita na di ako natatablan sa
charm niya..na kahit crush ko sya eh wala syang epekto sakin!
'Di ako nagcopy kanina...tapos yung libro ko nawala' cool niyang sabi.
'Aba...problema mo na yun!' ang swerte niya rin kung ganun-ganun na lang! di porket
crush ko sya..eh bibigay na ako noh?
'Look Celine! Please! Akin na yung notebook mo tsaka libro.' Alam niyo ba yung feelings
na kahit anong pigil mo sa sarili mo na huwag bumigay at wag magpaapekto sa
charm niya...eh sa isang ngiti niya lang, di mo na matitiis yun? Ganun yung nangyari sakin
ngayon eh!
'Thanks!Bukas na bukas rin, I'll return this....' okay lang kahit kailan mo pa isauli yan
basta ikaw....teka?! Anu ba itong iniisip ko?!
Haay...Bakit ba pag yung taong mahal mo na yung kaharap mo...di mo sya matitiis? Yun bang
pag sya yung makiusap eh bibigay ka talaga. Naexperience niyo na rin ba yun? Grabe talaga
ang epekto ng love anoh?
A/N: hehehe XD relate much! Kayo natitiis niyo ba yung crush niyo or yung taong love niyo?
Comment kayo dali! para share tayo ng experience....hehehe!LOL!
Notebook Entry No. 2
Nandito na rin ako sa kwarto ko ngayon at nagmumuni....
Anu bang pwede kong gawin nang mawala sya sa isipan ko?
Ganun ko na ba talaga sya kamahal na sya na lang yung umu-okyupa
netong puso't isipan ko?! Aissh! Ang cornek naman eh! pero yun kasi
yung totoo!!
Naku! pag mabaliw ako... sisihin niyo yung Shonn na yun!
O sige na nga...may aaminin ako sa inyo!
BINABASA MO ANG
Once Upon A Time
Teen FictionLove conquers everything. Love has no rules of wrong and right. Love hurts. Love will always remain a mystery. Once upon a time is a compilation of different stories which happens in earthly realities. Every story is a fairy tale. --SecludedFanta...