Love Is . 2

812 31 0
                                    

Cha's POV

"Langya nagCR lang ako saglit pagbalik ito na ang wallpaper ko" napapakamot sa ulong sambit ni coach.

"Hindi lang po ikaw coach kami rin" nakatawang turan ni Aby sabay pakita ng phone niya na picture ni Dawn, Vic at Majoy ang wallpaper.

Natawa nalang kaming lahat dito sa table yung tatlong yun ewan ko kung nasaan na kanina pa libot ng libot ang kukulit, wala kasi si Cienne kaya ayun yung isa lahat ng tao dito kinukulit idagdag mo pang nagsama silang tatlo. Kanina pa yun sa cafe ni tyang eh haggang dito sa celebration dinala nila ang kakulitan.

"Tawagan mo nga kasi yang kambal mo at para mabawasan ang kakulitan nung isa" nakatawang utos ni Steph kay Camille.

"Alam niyo naman yung isang yun napaka workaholic eh" katwiran naman nito.

"Masipag lang talaga ang love ko di naman workaholic" sulpot ni Vic kasama yung dalawa.

"Saan nanaman kayo galing" tanong ni Kim ng makaupo sila.

"Naglibot-libot lang po" sagot ni Dawn.

"Tignan mo nga yang itsura mo ohh! Pawis na pawis ka!" Sita ko kay Vic na nasa tabi ko na ngayon, inabot ko sakanya ang panyo ko.

"Oo nga Nara baka biglang dumating si kambal niyan amoy pawis ka na" pangaasar ni Camille.

"Excuse me lang Mille ah baka mas mabango pa tong pawis ko sa pabango mo" sabay punas ni Vic ng panyo sa ilong nito.

"Yuck Nara! Kadiri ka!" Yamot na sambit ni Camille sabay tulak kay Vic.

Napuno naman ng tawanan ang table namin, nandito kami ngayon sa isang high end bar nirentahan ni Mr. Efren Uy exclusively for us kaya walang problema kahit na mag-ingay kami.

"Bakit pala wala si Jerome Ye?" Tanong ni Cyd.

"May taping chi eh si kuya Bolick?" Balik tanong nito.

"Pasunod na kasama si Anton" sagot nito.

"Ikaw ditse si kuya Ray?" Tanong naman nitong makulit kong katabi.

"Ikaw Vic si Cienne?" Pangbabasag ko sakanya.

"Change topic" natawa nalang kaming lahat sa sinagot nito "dito tayo" ibinaling nito ang atensyon niya kay Kim at Cyd na kanina pa simpleng naglalambingan "wafs anong nararamdaman mo ngayon at sa wakas nakaamin ka narin kay ate Cyd" may props pa talaga siyang spoon eh.

"Ako nanaman ang nakita mo Vic ahh!" Nakatawa nitong sambit.

"Dali sagot na!" Utos nito, nakatutok kasi kay Kim yung spoon na kunwari mic nito.

"Parehas sa naramdaman mo nung finally nakaamin ka na kay Ciennang!" Sabay wiggle nito ng kilay.

"Teka lang ahh! OP kami kaya kailangan pati ikaw ate A sagutin yan" nakatawang sabat ni Kianna.

"Change topic ulit" humarap ito kay Cyd at tinapat ang spoon dito "ikaw na nga lang ate Cyd, anong naramdaman mo na finally na umamin na si wafs sayo?" Tanong nito.

"Tanungin mo nalang rin si Ciennang, sigurado namang parehas lang kami ng naramdaman" simple nitong sagot.

"Ako nalang ang sasagot" sabat ni Camille.

"Wag na babs! Di kami interesado diyan sa sasabihin mo!" pagtataray ni Vic, natawa nalang kaming lahat.

"Ikaw lang ang hindi interesado eh, tignan mo sila gustong marinig ang sasabihin ko" tumango naman kaming lahat kaya itong isa napakamot nalang sa ulo, ang cute talaga.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon