Love Is . 4

707 25 9
                                    

Cha's POV

Napatayo nalang bigla si Vic at napasuklay sa buhok nito.

"Ahmm, kain na po ditse" yaya nito saakin ng di makatingin.

Hindi na ako nito hintay pang makasagot, dali-dali na itong lumabas ng kwarto. Napatingin naman ako sa taong pumasok, tinaasan ako nito ng kaliwang kilay.

"Ano yun?" Nakapamewang nitong tanong, napatayo nalang ako at nag-ayos ng kumot.

"Anong ano?" Balik tanong ko.

"Bakit ganun kayo makatitig sa isa't-isa?" Tanong ulit nito.

"Anong pinagsasabi mo diyan?" Nakatawa kong tanong.

"Wag kang ano diyan Charleen! Baka kung di ako pumasok labi niyo na ang magkalapat" malaman nitong sabi.

"OA lang Paneng!" Nakapamewang ko naring sambit "malisyosa ka talaga!" Napapailing kong wika.

"Alam ko kung anong nakita ko at alam ko ring alam mo kung anong ibig kong sabihin" pagbabanta nito, hindi naman ako nakasagot sa sinabi nito "paano nalang kung yung kapatid mo ang nakakita sainyo" tanong nito.

"Kung makapagsalita ka naman diyan, bakit may ginagawa ba kaming masama? Ikaw sobrang dumi ng isip mo, nagulat lang kami sa naging posisyon namin kaya di kami nakagalaw agad" paliwanag ko.

"Sabi mo eh" makahulugan nitong tugon "bilisan mo na diyan at kakain na" pahabol nito tyaka lumabas.

Napa upo nalang ako sa kama, sa totoo lang di ko rin alam kung anong nangyari pareho kaming nalunod sa mata ng isa't-isa. Hindi ko rin maintindihan kung bakit bumilis ang tibok ng puso ko.

Ghad Charleen! Nababaliw ka na baka guni-guni mo lang yun, baka masyado lang akong nataranta sa lapit ng mukha namin kaya naka ramdam ako ng kaba pero hindi eh may point si Steph kanina. May something na nabuo sa nangyari kanina hindi ko ma-explain pero may something sa mga titig ni Vic iba yun sa mga titig niya na nakasanayan ko.

Sa totoo lang maski ako, sa benteng sekundong yun nagiba ang tingin ko sakanya, isa pa parang may kiti-kiti sa katawan ko na hindi mapakali kanina lalo na nung magkadikit ang ilong namin para akong nakuryente.

Napatayo nalang ako, makapag tooth brush na nga para makakain na baka gutom lang to.

Pagkatapos kong mag tooth brush at maghilamos ay lumabas narin ako agad ng kwarto, nadatnan ko silang nagkwekwentuhan habang kumakain. Tumabi ako kay Dawn yun nalang rin kasi ang bakanteng upuan, nagpalaman ako ng ham sa tinapay.

Napatingin ako sa katapat ko, si Vic at Cienne pala nagsusubuan. Sanay naman akong nakikita silang ganyan pero ewan ko ngayon para akong naiirita sa di ko malamang dahilan, nagpatuloy nalang ako sa pagkain ng di sila tinitignan.

"Anong plano mamaya?" Magiliw na tanong ni Dawn.

"Kayo ba anong gusto niyong gawin?" Balik tanong ni Aby.

Hindi ko nga nakikita yung ginagawa ng dalawang kaharap ko pero naririnig ko naman lahat ng sinasabi nila.

"Nasabi ko na pala kila mommy love" magiliw na sambit ng kapatid ko.

"Oh eh anong sabi?" Excited nitong tanong.

"Syempre excited gusto nga nila bukas na tayo bumiyahe eh" sagot naman nito.

So sasama pala siya sa US, bakit hindi niya nabanggit saakin kagabi?

Teka nga lang!

Ano ba tong nangyari saakin? Ano tong inaakto ko? Bakit ako naiinis na di niya nabanggit saakin? Ano ako girlfriend na kailangan lahat ng nagyayari sa buhay niya alam ko?

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon