Cienne's POV
"Popcorn?" alok nito saakin.
"Meron pa ohh" sabay taas ng kitkat kong kinakain.
"Ilagay ko lang dito sa tabi mo ahh kung gusto mo" nakangiti nitong sambit.
Pagkatapos kasi naming mag make love napagusapan naming magmovie marathon kaya ang napili namin magreview ng How I Met Your Mother. Nandito kami ngayon sa sala ako nakaupo sa lapag nakasandal sa sofa itong mahal ko naman pumagit sa hita ko at sumandal saakin.
"Love alam mo parang ganyan ako kay Ted nung una kitang nakita" malambing nitong sambit.
"Sinungaling!" Nakatawa kong sita.
Alam niyo kasi nung unang nakita ni Ted si Robin? Yung tipong nagslow mo ang paligid.
"Totoo naman eh" nakatawa narin nitong sambit.
"Sa pagkakaalam ko si ditse talaga ang crush mo" kunwaring nagtatampo kong tugon.
"Ehhh" napakamot ito sa batok niya "iba naman yung sayo love, crush lang naman yung kay ditse eh yung sayo love at first sight" palusot nito.
"Love at first sight?" Napapailing ako "eh halos di mo nga ako pansinin nung una napaka suplado mo!" nagtatampo kong sabi.
"Nahihiya kasi ako" nag-ayos ito ng upo at humarap saakin "di ko nga alam kong paano kita kakausapin kasi sa tuwing nandiyan ka bumibilis ang tibok ng puso ko" masuyo nitong sabi.
Nag-iwas nalang ako ng tingin feeling ko kasi sasabog na ang mukha ko sa init.
"Tapos biglang dumating si fug" napapailing nitong sambit.
"Oh anong meron kay Mike?" Kunot noo kong tanong.
"Saakin pa talaga nagpalakad yung gagong yun halos masuntok ko na eh" nanggigigil nitong tugon "ikaw rin!" Pinitik ako nito sa noo "gustong gusto mong dinadalaw ka nun sa dorm" sabay irap nito.
"Selos ka naman!" Pangaasar ko.
"Ay kung alam mo lang Noo!" Napahilot ito sa sentido niya.
"Ang OA mo!" Nakatawa kong wika tyaka ko siya binatukan.
"Bakit?" Natatawa narin nitong tanong "totoo naman eh, nung minsan pumunta sa dorm yun muntik na namin lagyan ng betchin yung juice niya" kwento nito.
"Hmmmmm!" Niyakap ko ito ng mahigpit "nakakagigil ka!" Kinurot ko ito sa magkabilang pisngi.
"Isang round pa" mapangasar niyang yaya sabay wiggle ng kilay nito.
"Manyak!" Ni-facepalm ko ito.
"Bakit?" Maang-maangan nito "isang round pa sa slide ang ibig kong sabihin" sabay tawa nito ng malakas.
Tinulak ko ito ng malakas nang mapahiga ito ay agad akong dumagan sakanya.
"Namiss mo ako?" Nakangiti nitong tanong.
Humiga ako at umunan sa dibdib niya.
"Sobra love!" Malambing kong tugon.
Naramdaman ko ang palad nitong hinaplos ang buhok ko, napapikit nalang ako.
"Sama ako" agad naman akong napa-angat ng tingin sakanya.
"Seryoso?" Excited kong tanong.
"Pwede ba?" Nakangiti nitong tanong.
"Oo naman! Siguradong matutuwa sila mommy niyan!" Magiliw kong sagot, yumakap ako sakanya ng mahigpit at pinaulanan siya ng halik sa buong mukha.
Ang dami ng nabubuong eksena sa utak ko, hindi ko na maitago ang excitement ko ang dami naming pwedeng gawin dun.
