Love Is . 12

425 23 4
                                    

Love Is . 12

Cha's POV

"Hello" bati nito.

"Hello Jam" ganting bati ko.

"Yes po ma'am Cha?" Tanong nito.

"Nagbabakasakali lang sana, is Vic with you?" Tanong ko.

"Nandito po ako sa hotel ma'am, ang usapan po kasi namin bukas na kami magkikita" sagot nito.

"Ahh ganun ba, sige Jam salamat pasensya na sa istorbo" paumanhin ko.

"Wala po yun ma'am, sige po" sabay end ko ng call.

"Ano daw?" Nag-aalalang tanong ni Mika.

"Nasa hotel daw siya eh" sagot ko.

Kanina pa kasi namin tinatawagan si Vic, nag-aalala kami kasi hindi siya nagtext o tumawag man lang kung nakarating ba siya ng maayos dun.

"Tumatawag si kambal" agad na sinagot ito ni Camille "hoy! Anong nangyari?" Bungad nito.

Tahimik lang kaming apat dito nakikinig.

"Umayos ka Cienne, anong nangyari sainyo ni Vic?... Wala! Wala siyang sinabi saamin!... Syempre mapupuno at mapupuno yun alangan na ikaw nalang lagi ang iintindihin!" Sermon nito "hindi naman sa kinakampihan ko siya pero kasi... Hello? HELLO? Ciennne!"  Humarap ito saamin "binabaan ako ng gaga!"

"Ano daw?" Tanong ni Cyd.

"Si Vic daw ang naki pagbreak" sagot nito.

"Bakit daw?" Tanong ulit ni Kim.

"Hindi ko siya maintindihan eh basta ang sabi niya hindi daw siya inintindi ni Vic" sagot nito.

"Sobra-sobrang pagiintindi na ang ginawa niya" napatingin naman sila saakin "sa buong stay ni Vic dun, lagi siyang naiiwan sa bahay kasama ang tatlong bata, nung minsan nga ako ang nagpunta dun para may kasama siya" kwento ko.

"And knowing Vic, hindi siya basta-basta magdedesisyon ng ganyan ng walang matinding dahilan" segunda ni Mika.

Natahimik nalang kaming lahat at napatingin sa kawalan.

Nag-aalala ako dun sa dalawa kasi sayang eh, mahal na mahal nila ang isa't-isa tas dito lang hahantong?

"I have to go" tumayo ako.

"Go where?" Takang tanong ni Camille.

"To Vic" sagot ko.

"Paano ka nakakasiguro na nasa Tagaytay siya? Hindi nga sumasagot sa mga calls ang messages natin" tanong nito ulit.

"Cams kilala mo si Vic, ayaw niyang pinagaalala tayo kaya nga niya sinabi kung saan siya pupunta eh" katwiran ko.

"Pero ditse, ang sabi niya gusto daw muna niyang mapag-isa, hayaan nalang kaya muna natin siya" suggestion naman ni Kim.

"Kailangan niya ng makakausap" sagot ko tyaka ako lumabas ng bahay.

...

"Nick boss mo?" Bungad ko sa isang empleyadong sumalubong saakin.

"Nasa cottage po naglilinis" sagot nito.

"Anong number? Ang daming cottage dito" nakatawa kong tanong, napakamot naman ito sa ulo niya.

"Di ko po kasi alam kung saan na siya kanina pa po kasi naglilinis ayaw naman magpatulong, pinaalis po kami eh" sagot nito.

"Ahh sige, tignan ko nalang salamat" pinat ko ito sa balikat bago tuluyang umalis.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon