Love Is . 11

391 24 13
                                    

Love Is . 11

"Good morning passengers. This is the pre-boarding announcement for flight 08V to Philippines. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately five minutes time. Thank you"

"Bye ate Ara"

Yumakap saakin ang tatlong chikiting, ginantihan ko naman ang mga ito ng mahigpit na yakap.

"Awat na" saway ni tita sakanila.

Halos ayaw bumitaw ni Chasiah kaya kinarga ko ito.

"Promise me you'll come back soon" maluha-luha nitong pakikiusap.

"I promise baby" tyaka ko siya hinalikan sa cheeks, kinuha na siya saakin ni kuya Cy.

"Ingat bro ahh, congats rin" pinat ako nito sa balikat.

"Salamat kuya" nakangiti kong sagot.

"Nak" hinawakan ako sa magkabilang pisngi ni tita "ingat huh, babawi kami paguwi dun" niyakap ako nito ng mahigpit "maaayos niyo rin ni Ciennang ang lahat" pahabol nitong bulong.

Mas hinigpitan ko nalang ang pagkakayakap ko kay tita baka kasi maiyak lang ako dito pag sumagot pa ako.

"We love you ate Ara" sigaw nung tatlo at yumakap ulit saakin.

Kumalas na si tita sa pagkakayakap saakin at hinayaan na yung tatlo, yumuko ako para magkapantay kaming tatlo.

"Behave huh, wag pasakitin ang ulo ni tita" bilin ko, sabay-sabay silang tumango "take care of ate Cienne for me, I love you too" isa-isa ko silang hinalikan sa noo.

...

Pag-upo ko ay agad akong nagsuot ng earphone at pumikit, kung nagtataka kayo kung bakit hindi ko kasama si Cienne ngayon pauwi. Sa totoo lang hindi ko rin alam!

Hindi ko alam kung anong nangyari saamin, hindi ko lubos maisip na hahantong kami sa ganito.

"Vic ano ba!" Inis nitong sambit.

"Ano magsusungit ka nanaman?" Inis ko naring sabi.

Kanina pa ako nagtitimpi sakanya eh, hindi ko na nga siya sinita kanina nang malaman kong hindi siya naglunch.

"Hindi mo ba nakikitang may tinatapos ako? Bukas na to" patuloy nito sa pagsusungit.

"Hindi ba pwedeng kumain ka muna" pakikiusap ko.

"Wala akong oras!" Tyaka nito ibinalik ang atensyon niya sa kanyang laptop.

"Alam mo Cienne, kung saakin wala kang oras kaya ko pang intindihin eh pero yung ganito na napapabayaan mo na ang sarili mo! Hindi na pwede to!" Sermon ko.

Napatigil naman ito sa ginagawa niya at kunot noong humarap saakin.

"So anong gusto mong palabasin?" Paghahamon nito.

"Cienne, love wag mo naman kasing pabayaan yang sarili mo nangangayayat ka na eh" masuyo kong sabi.

"Hindi eh! Ano yung una mong sinabi?" Taas kilay nitong tanong.

Napayuko nalang ako at hindi na sumagot baka kasi pagsimulan pa ng away to.

"Ano?" Nakatayo na siya ngayon sa harap ko, umiling lang ako "nagagalit ka kasi wala akong oras sayo?" Napapailing nitong sambit.

"Love" hinawakan ko ito sa magkabilang kamay "hindi naman sa ganun" winasik nito ang kamay ko.

"Akala ko ba naiintindihan mo ako? Akala ko ba na pagusapan na natin to?" Yamot nitong tanong.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon