Cha's POV
"Okay ka lang?" Tanong nitong kasama ko.
"Oo, pagod lang" sagot ko.
"Tama na ang inum ahh" malambing nitong sambit.
"Bakit? Di pa naman ako lasing ahh" sabay patong ko ng ulo ko sa balikat niya.
"Hindi nga pero tignan mo yang mata mo" sumilip ito saglit saakin at ibinalik ang tingin sa daan "ipahinga mo na yan" malambing nitong sambit.
"Bakit?" Nagayos ako ng upo at humarap sakanya "para makalapit ka na sa Denden mo?" Pagtataray ko, natawa nalang ito at napailing.
"Aray ahh" reklamo nito, binatukan ko eh.
"Masaya ka pa?" Pagtataray ko.
"Bakit kasi napasok nanaman si ate Den dito? Engaged na nga ata yung tao eh" nakatawa nitong sabi.
"Yun na nga eh, engaged na nga pero kung makalapit ka o makipagladian wagas" inis kong sambit.
"Wow! Grabe ka naman magsalita! Hoy ditse loyal to no! BabyNoo ko lang ang nilalaman nito no" proud nitong tugon.
Hindi nalang ako umimik may kung ano kasing kumirot sa puso ko nung sinabi niya yun, tahimik lang kaming tinatahak ang daan pabalik ng bahay nila.
"Syempre loyal din sayo" hinawakan nito ang kamay kong nakapatong sa lap ko "selosa" nakatawa nitong sambit, napaharap naman ako sakanya "o joke lang" sabay bawi nito.
"Paano kung nagseselos nga ako?" Seryoso kong tanong, napatingin naman ito saglit saakin tyaka ibinalik ang tingin sa daan.
"Eh di iiwas ako sa pinagseselosan mo" sagot nito.
"May karapatan ba ako?" Hindi ko alam kung bakit ko natatanong ang mga ito ngayon, siguro dala ng alak sa katawan ko.
"Oo naman" sagot nito.
"Bakit?" Tanong ko ulit.
"Bakit ba ang dami mong tanong" humarap ito saakin "basta pagsinabi mong luyaan ko yung taong yun kasi nagseselos ka gagawin ko" nag-alis ito ng seatbelt tyaka niya inalis yung akin, nandito na pala kami sa bahay nila di ko namalayan.
"Paano kung" hindi nito naituloy ang pagsara ng pinto at tinaasan ako ng kaliwang kilay "wala" iling kong sagot.
Ngumiti nalang ito at isinara na ang pinto, sinundan ko lang siya ng tingin ng kunin niya ang mga pinamiling alak sa compartment.
Ano na ba tong nangyayari saakin?
Kamuntikan ko ng tanungin paano kung kay Cienne ako nagselos, lalayuan rin ba niya?
Jusko Cha! Umayos ka nga! Di na tama yang iniisip mo!
Napatampal nalang ako sa noo ko at napailing, di dahil sa alak lang to kaya kung anu-ano ng pumapasok sa utak ko.
Tama Cha! No need to worry! Wala lang yan.
Napabalik nalang ako sa realidad ng bumukas yung pinto at bumungad saakin ang napakapoging nilalang.
"Tara na" sabay lahad ng kamay niya, tinanggap ko nalang ito at bumababa narin ng sasakyan.
Pumasok na kami sa loob at dumiretso sa garden kung saan sila nagiinum.
Sinalubong naman kami agad ni Kim at Yeye.
"Tagal niyo wafs" sabay akbay nito kay Vic.
"Di niyo na nga kayang inumin to eh" nakatawang sambit ni Vic sabay lapag ng alak sa mesa.
"Yakang yaka to tomsy" sabat naman ni Ye habang nagbubukas ng red horse.
"Ikaw daks! Porket wala si Ponce ahhh" pagbabanta ni Vic.