Love Is . 6

693 25 12
                                    

Cha's POV

"Pahingi na kasi ako niyan Cheps!"

"Kumuha ka dun sa kusina!"

"Ang damot mo naman pakagat lang!"

"Jusko umagang-umaga nambubulabog kayo!" Sermon ko.

"Hi ditse" naka ngiti nilang bati.

"Ano ba kasi yang pinagaawayan niyo?" Tanong ko.

"Eh kasi ditse yang si Chepot ang damot" pagsusumbong ni Mel.

"Meron pa naman kasi sa kitchen kumuha ka nalang" sabay subo nito ng tinapay na hawak niya.

"Bakit ba kasi ang aga-aga niyo?" mamayang hapon pa naman ang alis natin" tanong ko.

"Miss ka namin eh, pero parang di mo naman kami miss" nagtatampong sagot ni Mich.

"Sus ang dami niyong alam" pangaasar ko "mag-almusal na nga lang muna tayo" yaya ko sakanila.

Naupo na kaming tatlo sa harap dining table.

"Uy penge ako nun" parang batang tumakbo si Mel sa counter "akin nalang to" sabay taas nito ng Nutella.

"Sorry Mel di pwede kay Vic yan" tumayo narin ako at kinuha ito sakanya.

"Ibibigay naman saakin ni Arabebe yan paghiningi ko eh" confident nitong sambit.

"Bawal Mel, kung gusto mo ibibili nalang kita ng iba" offer ko.

"Sige sabi mo yan ahh" parang bata nitong sambit.

Kung saakin lang sana yun ibibigay ko pero personal request ni Vic saakin to eh pinabili niya saakin nang samahan niya akong mag grocery. Ito ang una niyang hinahanap pag dumadating siya.

"Si Milmil pala?" Tanong ni Mich.

"Tulog pa" sagot ko.

"Di ba sasama yun mamaya?" Tanong ulit nito.

"Baka nga maunahan pa tayo ng mga yun sa bahay nila Vic eh" nakatawa kong sagot.

"Si Arabebe pala?" Tanong naman ni Mel.

"Nasa Tagaytay may date mamaya with the mayor" sagot ko.

"Makakasunod ba siya?" Tanong ni Mel.

"Oo hahabol daw" sagot ko.

Tumango nalang yung dalawa at nagpatuloy na sa pagkain.

Loko nga ang batang yun eh ang bilin ko sakanya tumawag o magtext man lang siya pag nakarating na siya ng Tagaytay pero sa sobrang busy hindi na naalala, naka ilang tawag ako sakanya kagabi bago ito sumagot kaya kakilakilabot sermon ang inabot nito.

Nag-alala kaya ako di nga ako makatulog kakaisip kung anong nangyari sakanya, pati tuloy ang secretary niyang wala dun natawagan ko.

"Kamusta na si kuya Ray?" Tanong ni Mel, nagkibit balikat nalang ako bilang sagot.

"May problema ba kayo?" Tanong naman ni Mich.

"Wala naman busy lang yun kaya di pa kami nakakapagusap" sagot ko.

Sa totoo lang mula ng umalis siya ay hindi pa kami nakapagusap, minsan nag me-message siya sa viber pero hindi ko sinasagot. Masama parin kasi ang loob ko sakanya, masaya naman ako kasi finally natutupad na niya ang mga pangarap niya pero feeling ko kasi di na niya ako kailangan yung tipong ako nalang mag-isa sa relasyon na to.

Parang wala na akong halaga sakanya eh hindi na niya naisip kung anong mararamdaman ko sa mga padalos-dalos niyang desisyon, yung pag take niya ng training sa US na hindi man lang ako kinukunsulta kaya ko pang intindihin kasi alam kong yun na ang matagal niyang pinapangarap pero yung patigilin niya ako sa paglalaro ng pinaka mamahal kong sports. Di na yata tama yun.

Love Is:Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon