Cienne's POV
"Okay ka lang?" Tanong ng kambal ko, ngumiti lang ako ng tipid at tumango "nabigla lang yun" nakangiti nitong sabi tyaka niya ako hinawakan sa balikat.
Hindi nalang ako umimik, sa totoo lang hindi ito ang inaasahan kong mangyayari eh. Ganito kasi yun.
Flashback
Nang tawagin ni coach ang pangalan ko agad na akong pumasok at hinanap si Vic. Nagtama ang mga mata naming dalawa, hindi ko mabasa kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
Pero kung ako ang tatanungin gustong gusto ko ng tumakbo papalalit sakanya at sunggaban siya ng halik, oo miss na miss ko na siya pero nang makita ko siya mas lalo kong naramdaman yung pangungulila sa mga yakap at halik niya.
Ilang hakbang nalang! Bakit ganito? Kung kailan nagmamadali ako parang ang bagal kong maglakad? Feeling ko ang slow mo ko dala narin siguro sa kaba kong nararamdaman.
"Love?" Malambing kong tawag sakanya "flowers for you"
Naghintay ako ng isasagot nito pero wala akong nakuha, sinundan kasi nito ng tingin si ditse at ate Paneng na nagpunta ng CR.
"Vic?" Kuha ko sa atensyon nito, napatingala naman ito at tumayo "flowers for you" tyaka ko inabot sakanya ang hawak kong bouquet of red roses.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong nito.
Sa totoo lang hindi ito ang inaasahan ko, hindi ito ang mga unang salitang inaasahan kong lalabas sa bibig niya.
"Para sayo, nandito ako para sayo" sincere kong sagot.
"Bakit ngayon lang?" Malaman nitong tanong.
Para naman akong binuhusan ng malalaking bato sa tinanong nito!
Oo nga naman Cienne bakit ngayon lang? Bakit hindi kahapon? Bakit hindi nung isang linggo? Bakit hindi nung isang buwan? Bakit hindi nung araw na nag-open yung resort niya?
"Sorry" yan ang tanging lumabas sa bibig ko, napangisi naman ito.
Yung ngisi na alam mong may meaning? Sh*t! Lupa please lamunin mo na ako! Napayuko nalang ako.
"Cienne, Ara ayoko man putulin ang paguusap niyo pero may training pa" hindi nagsalita pa muli si Vic umalis na ito at nagtungo sa court.
"Tara ate Kim" tawag nito, sinundan ko lang ito ng tingin.
May naramdaman akong humawak sa balikat ko.
"Hayaan mo nalang muna bulls" pagaalo ni Mika, tumango nalang ako.
End of flashback
"Naiintindihan ko naman siya eh" malungkot kong sambit.
"Kilala mo naman na yang si Nara, mapasensya pero pagnapuno mahirap suyuin"
"Pero iba to Cams eh, nasaktan ko siya" napatakip nalang ako ng mukha, ayaw ng magpapigil ng mga luha ko eh kusa ng umagos.
"Hey, please don't cry" pagaalo nito.
Naiinis lang kasi ako sa sarili ko! Ano bang inaarte ko? Kasalanan ko naman to!
"10 MINUTES BREAK! ANG GUSTO KO PAGBALIK NIYO DITO SA COURT MAAYOS NA KAYO!"
Ang pagsigaw ni coach ang umagaw sa atensyon ko.
"Anong nangyayari sainyo?" Tanong ni Cams ng makalapit si Ye, nagkibit balikat lang naman ito at uminum ng tubig.
