Vic's POV
"Wala naman na palang lagnat eh, pwede ka ng lumabas" nakangiting sambit ni daks.
"Eh paanong di gagaling yan, Cha Cruz at Cienne Cruz ba naman ang nurse" nakatawang saad ni Carol.
"Tigilan mo ako donkey ahh" saway ko.
"Bakit? Totoo naman eh. Pupusta ako si Cienne ang magpapakain sayo ng dinner dito" nakatawang sambit ni Carol.
"Ay di naman papayag si ditse niyan!" Sabat naman ni daks.
"Eh si ditse na ang nagpakain sakanya ng lunch" apila naman ni Carol.
"Si Cienne rin naman nung breakfast" sagot naman ni Mika.
"Talagang pati yan pagtatalunan niyo?" Napapailing kong tanong.
Nagkatinginan silang dalawa at natawa.
"Alam niyong hindi biro to diba?" Seryoso kong sambit.
"Alam naman namin yun daks" tumabi saakin ni Mika at umakbay "pinapagaan lang namin ang loob mo" panlalambing nito.
"Ano kamusta?" Tanong ni Carol ng makapasok si ate Kim.
"Ayun ayos naman, wala ng sigawan" sagot nito.
Napabuntong hininga ako, kasalanan ko to eh. Pati tuloy si ate Kim nadadamay sa kagaguhan ko.
"Ate Kim" tawag ko sakanya.
"Alam ko na yang sasabihin mo Victo, hindi mo kailangan magsorry" nakangiti nitong sambit.
"Pero kasi ilang beses mo akong pinagsabihan pero hindi ako nakinig sayo tapos ngayon nasisi ka pa" nahihiya kong sabi.
"Wafs" lumapit ito saakin at hinawakan ako sa braso "sanggang dikit tayo diba?" Nakangiti nitong sabi.
Napangiti nalang rin ako at tinanguan siya.
"Maiba tayo Kim? Sa tingin mo sinong aakyat dito at magpapakain kay boss ng dinner? Ditse o Cienne?" Seryosong tanong ni Carol.
"Gago" binatukan ko nga "leche! Wala! Sasabay akong kumain sainyo! Bababa ako!" Inis kong sabi.
Natawa nalang silang tatlo, natawa nalang rin ako. Buti nalang at nandito ang mga kaibigan kong ito kung hindi baka nabaliw na ako.
...
"Kamusta ang paki ramdam mo?" Bungad saakin ni coach.
"Okay na po tay" nakangiti kong sagot.
"Halika na at kumain na tayo" umakbay ito saakin at sabay na kaming pumasok ng restau.
Naupo na si coach sa table nila, napatigil naman ako ng makita ko kung saan nalang ang bakante.
Ang galing lang talaga eh! Table nalang nila Cha at Cienne ang may bakante. Ano ba to! Sa labas nalang ata ako kakain. Hahahaha
"Ano na? Di alam kung saan uupo?" Sulpot ni ate Kim.
"Yan ang mahirap eh" sulpot naman ni Carol sa kabila ko.
"Sa labas nalang ata ako" aburido kong sagot.
"Tutulungan ka namin ngayon pero sa susunod bahala ka na" nakakalokong sambit ni ate Kim tyaka umupo sa table nila Cha.
"Pogi kasi eh" pahabol naman ni Carol bago maupo sa table nila Cienne.
Napahinga naman ako ng maluwag, sa table nalang nila Kianna ako naupo kung saan naupo si ate Kim kanina.
"Wow! Honored kami ate A dito ka umupo" pangaasar ni Kianna.
"Trip mo ako ngayon" nakatawa kong sagot.