Cienne's POV
"Pero pa!" Apila ko.
"Walang pero pero Cienne! Masyado ka ng nagiging busy, ang gusto ko magpahinga ka muna ng dalawang araw" maawtoridad nitong utos.
"Pero paano yung project?" Pagpupumilit ko.
"Kaya na nila Andrei yun" sagot nito.
Wala na akong nagawa kung di sundin siya, nakayuko akong bumalik sa office ko. Ano naman kayang nakain nun at hindi ako pinapapasok, sigurado akong kinausap yun ni mama.
Mula kasi nung umalis si Vic ayaw niya akong tigilan kaya gabi na kung umuwi ako para tulog na siya, naka deactivate rin lahat ng social medias ko.
Ang ginagamit kong phone ngayon ay yung pang office lang, kinukulit lang rin ako ni kambal eh. Sesermonan lang rin kasi nun.
Vic?
Kamusta na kaya siya?
1 week narin mula ng umalis ito.
Sa totoo lang sobrang namimiss ko na siya eh, hindi ko naman ginusto tong nangyari saamin.
Feeling ko lang talaga ito ang kailangan namin, lately kasi hindi na kami magkaintindihan. Oo alam ko kasalanan ko pero pagiintindi lang naman ang hinihingi ko sakanya eh.
Alam niyang stress ako sa trabaho pero pinairal niya ang pagiging immature, lalo lang rin akong nainis ng sabihin niyang tapusin na namin ang lahat.
Siguro kung sa ibang pagkakataon hindi ako papayag, pero dahil lang sa di ko pagsama sakanya pauwi ng Pilipinas eh makikipagbreak na siya. Ang babaw niya, kaya kung yun ang gusto niya eh di binigay ko.
Umatras rin siya nung huli pero buo na ang desisyon ko, kailangan namin to. Kung kami, kami talaga.
"Excuse me" naputol ang pagiisip ko ng may sumilip sa pintuan ko.
"Andrei, halika pasok ka" nakangiti kong sabi "anong atin?" Tanong ko ng makaupo ito.
"May gusto sana akong ihingi ng pasensya" paninimula nito.
Napakunot naman ang noo ko.
"What do you mean?" Tanong ko.
"Nung gabi na nagbar tayo" napabuting hininga ako "sinundo ka ng girlfriend mo" kinakabahan nitong sabi.
"Ya I know, kaya nga nakauwi ako eh. Diretsohin mo na" nakatawa kong utos.
"Hindi kasi maganda yung nadatnan niya" napayuko ito "You're asleep at siguro sa dala narin ng alak sa katawan ko hahalikan sana kita" nanlaki naman ang mata ko.
"Joke ba to?" Tanong ko.
"I'm sorry Cienne, hindi ko lang talaga napigilan ang sarili ko. I really like you hindi ko naman alam na may girlfriend ka pala" paliwanag nito.
"Get out!" Madiin kong utos.
"Cienne, I'm sorry" pahabol nito bago tuluyang lumabas.
Napasandal nalang ako dito sa upuan ko, sh*t! Ano ba tong nagawa ko?!
-flashback-
"Ano bang problema mo?" Inis kong tanong.
"Kung hindi ako dumating kagabi baka kung ano ng nagawa ng lalaking yung sayo!" Galit nitong sagot.
"Ano bang pinagsasabi mo? Mabait na tao si Andre hindi niya magagawa yang iniisip mo!" Pagtatanggol ko.
"Ah ganun!" Napailing ito "sasama kang umuwi saakin bukas!" Maawtoridad nitong sabi.