2

26.1K 685 23
                                    

Indifferent

Kamila

Isang malakas na ungol ang bumungad sa akin pagkagising na pagkagising ko palang. Kasabay nun ang walang humpay na pagbayo na nagmumula sa kabilang panig ng pader. Napangiwi ako.

Nag-aalmusal na naman sa kama ang dalawa kong kapit-bahay. Sinuri ko ang pader na kanina pang umiingit dahil sa kalampugan. Mabuti na lang at medyo matibay ang ginamit na materyales sa parte na ito ng bahay, kung hindi ay baka nagiba na ito sa araw araw na lang na sinasapit nitong kapalaran.

Lulugo-lugong tumayo ako at isinarado ang nakabukas na ilaw sa kwarto. Ang totoo niyan ay limang taon na din mula nang magkaroon ako ng kakaibang takot sa dilim. At ang tanging paraan para makatulog ako ay buksan ang ilaw. At humawak ng pamalo.

Naligo ako at nag-ayos ng gamit na dadalhin sa Empire. Dahil sa hindi ko naman alam kung hanggang kailan ako doon, dinala ko na ang mangilan-ngilan kong maaayos na damit at pinagkasya iyon sa maliit na barrel bag.

Sinuklay ko ang mahaba at itim kong buhok at itinali iyon sa likod. Pagkatapos ay sinipat ang sarili sa salamin. May puti ngunit medyo manipis na blouse akong nakatago kaya iyon na lang ang isinuot ko saka pinaresan iyon ng kulay blue na fitted denim. Isang simpleng doll shoes lang ang meron ako kaya iyon na din ang isinuot kong panyapak.

Tumunog ang cellphone ko na nakapatong sa maliit na mesa kaya nagkumahog akong lapitan iyon.

"Hello?"

"Miss Kami?" si Atty. Clemente.

"Atty."

"Datu na lang din ang itawag mo sa akin. Total ay naka-first name basis naman na tayo."

Kahit medyo alangan ay sinunod ko na rin ang nais niya. "D-datu."

"Yes, I already sent Mr. Montereal's bodyguard sa bahay mo at anytime now ay darating iyon. Ayos lang ba kung lumabas ka na para hindi na siya mahirapan sa paghahanap sayo?"

"Ah, sige ho. Nakahanda naman na po ako."

Umungot lang siya bilang sagot saka pinatay ang tawag. Kinuha ko ang kandado na may susi at saka pinasadahan ng tingin ang buong apartment. Medyo matagal din bago ako makakabalik dito at kahit pangit ang apartment na ito ay napamahal na din sakin.

Sinara ko ng dahan-dahan ang pinto at dumiretso na sa labas. Wala pang limang minuto ay may pumarada nang isang itim na Aston Martin sa harap ko. Iniluwa niyon ang isang lalaking di mo rin aakalain na bodyguard sa tindig at kilos. May mukha ito na akala mo ay isang modelo ng Calvin Klein.

"Miss Kami?" at mukhang nahawaan na ni Datu sa pagtawag sa akin ng miss.

"Ako nga po."

"Ihahatid ko na po kayo sa Montereal Empire. Hinihintay na po kayo doon."

Tumango ako at pumasok na sa van, kaso nakita ko na hindi niya pala binuhat ang barrel bag kaya lumabas ako muli at isinakay na lang iyon sa tabi ko. Nakalimutan kong hindi na pala ako yung dati na asikaso palagi ng staff ni Rio.

Kahit aircon sa loob ng kotse ay hindi ko maiwasan ang pagpawisan dahil sa kaba. Ito na yun. Sa tagal ng panahon, magtatagpo na muli ang landas namin.

"Miss Kami?"

Bumaling ang tingin ko sa driver/model gamit ang nagtatanong na mga mata.

"Bakit po?"

"Uh, hindi ko talaga alam kung bakit usap-usapan sa buong empire ang pagdating niyo."

Napasinghap ako sa gulat. Nagkatotoo na nga ang hinala ko. Tama nga na paguusapan ng mga empleyado ang pagbabalik ng minsan ay naging fiance ng boss nila. Panalangin ko lang na sana hindi na nakalabas kung ano man iyong naging kasalanan ko dahil malamang na ako ang magiging tampulan ng lahat ng masasamang tingin at masasamang ugali doon.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon