Inside the enemy's camp
Kamila
Habang nakasakay ako sa kotse na magdadala sa akin sa lugar na pinagkukutaan nina Patrick, walang humpay si Rio sa kakakausap sa akin.
Medyo naaasiwa na ako kasi feeling ko iniisip ng driver na baliw ang babaeng naisakay niya dahil kanina pang kausap ang sarili. Nahuli ko pa nga siyang minsan ay tinitigan ako na parang nag-iisip kung ibababa niya na ba ako o hindi.
"Kami, are you listening to me?" tanong ni Rio.
"H-huh? Ano nga, pakiulit?" tanong ko. Alas nuebe na ng gabi at medyo traffic pa sa dinaanan naming lugar kaya hindi ko alam kung makakauwi pa ako ngayong gabi.
"Hinahanap ka ni Kia kanina, can you show your face through the camera?"
Nangunot ang noo ko. Bakit gising pa ang batang iyon? Dapat kanina pang alas otso yun sa kama ah.
Kinuha ko ang cross na kwintas na nakasabit sa leeg ko saka itinapat iyon sa mukha ko. I consciously combed my hair with my fingers and looked at the hidden camera.
"Can you see me now?" saad ko habang tinitingnan ang reaksiyon ng driver. Lalong nanlaki ang mga matang dati nang malaki dahil sa ginawa kong pagtaas ng cross. Kung sa walang alam kasi, mukha akong timang na sinusugod ng bampira at ang cross na nakataas ang panlaban para di ako makain.
"Yes, perfect." bulong niya.
"Asan si Kia, bakit hindi man lang ako kinakausap?" nag-aalala kong tanong.
"Tulog na." simple niyang sagot.
"Ano? Sabi mo hinahanap ako?"
"Oo nga, kanina."
"So bakit mo pinatapat mo pa ang camera sa mukha ko?" inis kong turan.
"Kasi po gusto po kitang makita miss."
Agad kong binitawan ang camera saka pumikit ng mariin, kagat-kagat ang pang-ibabang labi mapigilan lang ang kumakawalang tili sa bibig ko. Sisigaw na kasi ako, sisigaw na ako dahil sa kilig pero hindi niya iyon dapat marinig. Kaya pumikit na lang ako at nagpakawala ng maikling ungol.
"Are you okay Kami?"
"Y-yes.." nabubulol kong sagot.
May narinig akong mahinang kaluskos sa kabilang linya kasabay ng salampak na pag-upo niyang muli sa inuukupang upuan.
"Breathing -- hard, heartbeat -- rapid, movements -- jerky, conclusions: currently on a strenuous physical activity like sex or exercise." saad niya sabay hagalpak ng tawa.
"What the hell Rio? Anong--"
"Easy babe." he chuckled. "Computer analysis yan kasi nag-print ako ng vitals mo sa homing device na meron ka. Complete kasi yan ng easy access for vitals and accessible analysis."
"The computer just deduced that I am having sex?" hindi ko makapaniwalang tanong. Pati computer green minded na rin? Ano na bang nangyari sa mundo?!
Hindi siya sumagot kasi humalakhak siyang muli.
"Rio!" singhal ko.
"Yep, I'm sorry, this is just too funny and I can't let it pass by without giving it due attention."
Nairita akong lalo.
"E pano nga kung nakikipaglampugan ako dito, may magagawa ka ba?" hamon ko sa kanya.
Biglang natigil ang tawa sa kabila kaya ako naman ang napangiti. Pikon-talo. Susme, sisimulan ako tapos di rin pala kayang sakyan ang pang-aasar ko. Akala niya ba maiisahan niya ako?
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Ficción GeneralHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...