Prisoner
Kamila
Dumating ako sa apartment ng saktong alas dose ng gabi. Hindi na ako naghilamos at nakalimutan ko na ring kumain dahil sa pagod. Ni hindi ko na alam kung paano ako nakarating sa bahay.
Tinanggal ko ang mamasa-masa kong damit, naglatag ng banig at natulog. Sa sobrang antok ay hindi ko na naalalang i-lock ang pinto. Ang mahalaga ay naglapat na ang katawan ko at ang banig at panahon na para magpahinga.
Nasa kalagitnaan ako ng masayang panaginip tungkol kay Kia bang biglang tumunog ng malakas ang cellphone sa bag ko.
Lulugu-lugong binuksan ko ang isa kong mata at kinapa iyon. Hindi ko na sinipat kung sino ang tumatawag sa ganitong dis oras ng gabi at inilagay ko na lang iyon sa tainga ko.
"Hello?"
"Friendship, asan ka!?" sigaw ni Giana sa kabilang linya. Tiningnan ko kung anong oras na. Takte, wala pa ngang isang oras ang tulog ko, ano naman kayang problema nang babaeng to?
"Sa bahay."
"Ni Sir?"
"Ko. Sa bahay ko. Bakit ba?" iritado ako kasi antok na antok ako tapos gigisingin niya lang ako para magtanong kung asan ako?
"Hala ka. Nahalughog na ni Sir Rio ang buong building kakahanap sayo. Tinawagan niya na ako, yung attorney niya, pati yung pulis. Hindi ka man lang nagpaalam bago ka umalis?" tanong niya na parang isang malaking kasalanan ang ginawa ko.
Kailangan ba talagang magpaalam ang katulong bago aalis? Baka naman may kailangan siya na hindi ko nabigay bago ako umuwi? Ano pa bang kulang dun?
"Ah, pakisabi na lang na nasa bahay na ako. Kung ano man ang kailangan niya, bukas ko na lang gagawin."
Hindi ko na siya pinagsalita dahil pinatay ko na ang tawag saka muling natulog.
Kaso bago pa humimbing ang pagtulog ko, tumunog na muli ang cellphone.
Padabog kong kinuha iyon, itinapat sa tainga ko at sumigaw."Giana, pagod ako! Pwede bang pagpahingahin mo muna ako? Bukas na tayo mag-usap okay!?"
Nakonsensiya ako sa pagsigaw ko nang hindi ko siya narinig na umimik. Masyadong harsh yata ako.
"Sorry Giana, bukas promise.."
"No, now."
At ganun-ganun na lang, napawi lahat ng sapot sa utak ko. Nawala ang antok at pakiramdam ko ay sinabuyan ako ng malamig na tubig. Gising na gising ako agad, para akong nakainum ng kapeng barako.
"Sir? Uh.."
"Where are you?" tanong niya. Hindi siya sumisigaw pero ramdam ko na nagpipigil lang siya ng galit.
"Sa apartment po."
"I'm on my way." saad niya saka pinutol ang tawag.
Napatingin ako sa hawak kong aparato na ngayon ay nagsara na. Pakiwari ko ay andun ang mga sagot sa lahat ng katanungang gumugulo sa isip ko. Bakit siya pupunta dito? Anong nangyari?
Wala pang limang minuto, tumawag ulit siya saken.
"What room?"
"504 po, pero bakit--"
Pinatayan na naman ako.
"Argh!" muntik ko nang ibalibag ang cellphone dahil sa inis. Nagtagis ang bagang ko. Hindi porke katulong ako ay ganun-ganun na lang. May damdamin ako, tae!
Biglang pumihit ang knob at pumasok siya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi ko iyon nai-lock.
Maging siya ay mukhang nakarating sa parehong konklusyon na meron ako dahil ibinalik niya ang tingin sa seradura ng pinto.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Ficción GeneralHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...