Now You Know
Kamila
Nanghihinang binaybay ko ang kaunting puwang na naghihiwalay sa amin ng puting kotse. Nang tumapat iyon sa akin, pumihit ako sa gawi ng tao na nandoon.
Alam kong si Patrick Fajardo ang kausap ng lalaki kanina. Alam ko din na takot siyang tumuntong sa building ng mga Montereal sa kadahilanang papatayin siya ng mga ito oras na makita siyang lumapit sa kanilang pag-aari.
Humakbang ako palapit ngunit tumigil din bago pa ako makapasok sa loob. Nakita kong nangunot ang noo siya sa ginawa ko at kumumpas.
"What are you doing? Get in." matigas niyang saad sa akin pero tinitigan ko lang siya.
Maya-maya pa ay tumaas ang isang bahagi ng bibig ko para bigyan siya ng isang ngisi. Matalim ang mga titig na ipinukol ko sa kanya.
"Itong tandaan mo Fajardo. Nagamit mo lang ako noon dahil hinayaan kita. Ang totoo niyan, ikaw ang ginamit ko para makaganti sa mga Montereal. Kaya wag mo akong tinatakot sa kuha ng larawan ng anak ko kung hindi," lalo kong nilakihan ang ngisi ko saka ginuhitan ang leeg ko gamit ang hinlalaki. "ako mismo ang maglalagay sayo sa putik."
Pagkasabi ko nun ay itinapon ko ang larawan sa mukha niya saka tumayo ng tuwid.
Namula na parang kamatis ang maputi niyang balat dahil sa galit. Nakita kong tinanguan niya ang lalaki na nakahawak sa pintuan kanina. At bago pa man ako makahanda sa kung anong ibig sabihin ng tangong iyon, nahampas na nila ang ulo ko dahilan para mawalan ako ng ulirat.
Nagising ako na andun pa rin naman sa sasakyan ngunit nakaparke na ito at wala na ring ibang tao maliban sa aming dalawa ng lalaki na kinasusuklaman ko.
Masakit pa rin ang pagkakahampas nung lalaking luwa yung mata kaya napangiwi ako nang kapain ko iyon. Mas lalo akong nairita nang makitang may malaking bukol ako sa ulo.
"Putek na luwa ang matang iyon, ang sakit ng hampas." hinimas-himas ko ang parte ng ulo ko na nasaktan saka tinapulan ng masamang tingin si Patrick.
Nakatingin lang siya sa gawi ko ngunit hindi umiimik. May pilat siya sa mata na hindi ko maalalang nanduon nung una kaming magkakilala.
"Anong nangyari sa mata mo?" takang tanong ko.
Ibinaba niya ang tingin ngunit nahuli siya dahil nakita ko na ang pagguhit ng galit sa kanyang mukha. Namuti ang paligid ng bibig niya at nakakuyom ang mga kamao niya na parang nagpipigil lamang na manakit.
"Handa ka na ba sa ipapagawa ko sayo ngayon Kamila?"
"Sinabi ko bang susunod ako sa mga inuutos mong gago ka?"
Umigkas ang kamay niya at dumapo sa may bibig ko. Ang malaking singsing na nakasuot sa kanyang daliri ay sumagi doon kaya naramdaman kong dumugo ang labi ko sa lakas ng dating niyon. Nanginginig ang mga kamay na hinawakan ko ang ngayon ay nagdurugong labi at tumitig sa kanya.
"Ah ngayon dadaanin mo sa sakit?" tumawa ako saka pinunasan ang dugo bago pa ito pumatak sa damit. Isasauli ko pa ito kay Rio kaya hindi siya pwedeng masira nang dahil sa dugo.
"Gusto ko na pabagsakin mo ang buong Montereal and this time, I want it to be successful!" singhal niya sa akin.
Napaigtad ako sa lakas ng sigaw niya sa pag-aakalang may susunod na namang mabigat na kamao na mananakit sa akin.
"At anong kapalit?" kunwari ay interesado kong tanong.
Tumawa siya ng malakas.
"Sinasabi ko na nga ba! Pera lang ang katapat mo Kamila." Hinawi niya ang kanyang mahabang buhok at nakita kong hindi lang pala sa mata ang pilat na iyon. Meron din sa kalahati ng kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Ficção GeralHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...