11

20.9K 507 22
                                    

Never Trusted

Kamila

"You've learned so much since the last time. Magaling yata ang mga naging teacher mo. Tell me Kamila, who were they?"

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang sabihin niya iyon. Ni sa hinagap ay hindi ko inakala na kaya niya akong pagbintangan na isang akong pakawalang babae. Kapag malaman niya na may anak na ako, baka isipin niya rin na anak ko si Kia sa iba.

My mouth gaped open in disbelief. Hinintay ko pa talagang bawiin niya iyon. Umasa ako na nabigla lang siya at sa huli ay mapapagtanto niya na mali ang sinabi niya, pero wala.

Nakatingin lang siya sa akin at naghihintay ng sagot.

"Get off me." tiim-bagang kong turan matapos ang ilang segundo kong pananahimik.

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay.

"What?"

"Get off!" hiyaw ko nang hindi ko na mapigilan ang nagpupumiglas na galit. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil ayoko na makita niya ang sakit.

Nang hindi pa rin siya kumikilos, itinulak ko siya gamit ang natitira ko pang lakas dahilan para matumba siya sa kama sa tabi ko. Bumalikwas ako ng bangon at kinuha ang kumot sabay takip nito sa aking katawan. Inisa-isa ko ring damputin ang mga nagkalat kong damit.

"And where do you think you're going?" tanong niya sa likod ko pero hindi ko siya nilingon.

Where do you think you're going, your face! Mamatay ka nang walang-kwenta ka.

"Kamila!" sigaw niya nung nakalagay na ang kamay ko sa knob. Umirap lang ako sa kawalan saka pinihit ang seradura upang umalis. Narinig ko na nagsimula siyang tumakbo patungo sa akin kaya tumakbo na din ako patungo sa palikuran.

"Stop your stupidity you little--" pagsisimula niya pero hindi niya rin naman iyon natapos dahil naisara ko na ang pinto sa CR.

"Damn!" narinig kong sigaw niya sa labas.

Oo, damn talaga. Damn-hin mo kung anong nararam-damn-man ko ngayon. Kahit mag-damn-mag ka pang maghintay, hindi ako lalabas dito.

Humilig ako sa pader ng CR at pinakiramdaman ang paligid. Wala na ba siya?  Wala akong marinig na kahit anong ingay sa labas.

Inayos ko ang kumot na nakatakip sa katawan ko at nagsimulang maglakad patungo sa bowl. Nakailang hakbang na ako nang bigla akong natigil. Nagtatakang bumaling ako sa likod ko at ang tumambad sa akin ang dahilan kung bakit napabuga ako ng hangin.

Nakaipit ang kumot sa nakapinid na pinto ng CR.

Nasa aktong nag-iisip ako kung paano ko aayusin ang kinalagpakan ko nang biglang may humila noon. Impit na hiyaw ang pinakawalan ko sabay tingin sa ngayon ay nasa sahig nang kumot.

Kinuha ko iyon at hinila na din. Pagkatapos ay ibinalik ko iyon sa dating posisyon at iniikot sa katawan ko.

"Akala mo ba papatalo ako? Neknek mong lalaki ka! Lumayas ka dito, sa akin ang kubeta!" sigaw ko sabay hila muli ng kumot. Muntik na akong tumihaya kasi wala man lang akong resistance na nakamit mula sa kabila.

Mataman akong nakinig kung may ingay. Pero wala akong sagot na narinig.Tumaas ang kilay ko. Hmmm. Ano na bang ginagawa nung lokong yun?

Tinitigan ko ang door knob na para itong ahas na mamaya ay manunuklaw, nakatitig lang ako hanggang sa biglang matanggal na naman yung kumot. This time, mas malakas na ang hila niya kaya nasa malayo iyon dumantay. Dumukwang ako para makuha at mahila ko iyon pero naunahan niya ako. Hanggang sa maglaho na ngang talaga ang kumot sa paningin ko.

Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon