Para kay ate kath Tayco.. Kasi humingi siya ng special chapter para sa anak nina Kami at Rio. Enjoy te. Sorry maikli lang.
------
A year later...
Rio
"Ano kamo? Ruzz got married!!? Pero wala naman tayong kilala na babae na pwedeng pakasalan nun ah!" saad ko na biglang-bigla sa naging balita ni Ichiro.
Andito kaming lahat ngayon sa bahay ni Skye, sa bicol. Pagkatapos kasing manganak ni Kami sa baby boy namin na si Brazil Thaddeus Montereal, naisipan naming lahat na magbakasyon, ngunit anong gulat ko na lang ng malaman na hindi makakarating si Ruzzia kasi nasa honeymoon stage kuno sila ng asawa niya.
Ang alam ko lang na umaali-aligid na babae dun ngayon ay iyong kaibigan nitong si Skye na si..
"Skye, sino nga ulit yung bestfriend mo sa high school?"
Tumaas ang kilay niya as if sinasabi sa akin na masyado naman akong madaling makalimot.
Yung totoo, nakalimutan ko na ang totoong pangalan niya. Brat kasi ang laging tawag dun ni Ruzz e. Pero I remember her face.
"Si Deireen Luz.." bulong ni Mexico na kasalukuyang karga din ang 1 year old nila ni Niki na si Mico or Mexico Jr as we are fond of calling him.
"Ayun! Si Dee-dee!" sigaw ko dahilan para magising si Brazil na namana yata sa mama niya ang pagiging amazona.
Nagsimula na kasi itong ngumawa kahit binibigyan na ni Kami ng dede. Tinapunan ako ng masamang tingin ng asawa ko sabay irap.
"Kunin mo, ang lakas ng bunganga mo, parang ikaw ang nagpapatulog ah!" singhal niya sa akin dahilan para tawanan ako ng dalawa kong kapatid at ni Skye.
Ngumiwi ako sabay abot kay baby.
"Halika na sa daddy little Brazil, ang cute cute ng baby ko na yan. Tahan na anak, masakit sa tainga.." i cooed.
Tumawa si Kia at nang lingunin ko siya, binalingan niya ako ng inosenteng tingin sabay kibit-balikat.
"What is it now, princess?" nagtatakang tanong ko. Kanina pa kasi itong humahagikhik sa tabi.
Tumawa lang siya at nag-thumbs up sa kapatid niya na mukha namang naintindihan nung isa dahil nagsimula na itong humagikhik na parang iyong ate niya.
Suminghot ako dahil may naamoy akong mabaho.
"Kia, did you fart?" tanong ko.
Lalo lang tumawa ang anak ko at hindi na makausap ng maayos ngayon. Kahit si Kamila ay halos maupos na din kakatawa habang pinagmamasdan ako.
"Little buddy, did you fart?" tanong ko sa karga ko.
Umismid si Ichiro.
"More like, did you poop?"
Hintakot na tumingin ako sa diaper na mukha ngang puno na ng kulay yellow na mga bagay.
"Kami?" pakiusap ko sa asawa ko.
Umiling-iling lang siya.
"Rule # 78. Kung sinong may hawak, siyang magpapalit. Di ko kasalanan, ikaw ang nagpauso ng mga rules mo na yan."
"How the hell--"
"Mouth!" singhal sa akin ni Mexico habang hawak ang tainga ng anak.
Umikot ang mga mata ko. Bata pa yun, paano nun makukuha ang ibig kong sabihin?
Nanggigigil na binaling ko ang atensyon ko may Brazil.
"Yeah dude. Don't try and find a women more intelligent that you. Ibabalik niya lahat ng ginawa mo sayo."
Tumawa ulit ang anak ko.
Oh well. The blessings of parenthood.
Sa hinaba-haba ng prosisyon, sa pagpapalit pa rin ng diaper ang tuloy.
"The hell! The hell! The hell!!"
Natigil kaming lahat sa ginagawa namin dahil sa matinis na boses na iyon.
Lahat ay bumaling ang tingin sa anak ni Mexico na kanina pang sinasampal ang mukha ng ama habang sumisigaw ng mura.
Napailing ako.
"Mana sayo bro. Jerk din pala." saad ko.
Bumaling siya saken. "Maghanda ka rin, halimaw yang anak mo."
Pumagitna na sa amin si Ichiro.
"Tama na nga yan. Pati bata pag-aawayan niyo?"
Sabay naming tinitigan si Ichiro pagkatapos ay sabay din kaming nagsalita.
"Mag-asawa ka na din, ice man. Mauubos na ang maganda sa mundo. Nakuha na namin ang dalawa." tapos nagtinginan kami ni Mexico at sabay ding tumawa.
*** achuchu.. End ulit.*****
😂😂😂😂
bye!
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 2: To Escape a Beast (COMPLETED) ✔ #WATTYS2017
Ficção GeralHighest Rank: #42 in general fiction. This is the book two of the series Montereal Bastards. Rio Gabriel Montereal's story. Please be advised that this story is not professionally edited. So expect grammatical errors, typographical errors and synta...